|
Thursday, March 31, 2005

sa pagsisimula ng blog na ito, hindi ko alam kung saan talaga tutungo ang bawat himig na nais kong marinig niya. Sa totoo lang, marami sana akong nais sabihin sa kanya na maaaring hindi na rin niya marinig, idaan ko man sa mga simpleng kanta, at sa totoo lang, hindi ko alam kung maiintindihan niya ako o kung handa man siyang intindihin ako, hanggang kailan at papano?

alam ko na masyadong marami na ang nangyayari sa amin. naiinis lang ako sapagkat wala akong sinimulang tinapos ko at wala siyang pinasimulan na pinatapos niya? nakuha mo kaya... malamang ay magulo subalit iyon ang totoo. naguguluhan na nga ako sa istorya namin, sa love story namin kuno. andyan na nga ang sense ng love, andyan na rin ang mga kontrabida, subalit mismong mga bida hindi magkaintindihan, paano na kaya kung darating ang araw na magtagpo sila matapos nang matagal na pagkakalayo... magawa kaya nilang magpansinan kahit wala na ang mga kontrabida, o magpadala sa agos ng tadhana at umiwas na lamang?

hindi ko alam kung may patutunguhan pa kami. wala na kaming direksyon hindi tulad noon. noon, masaya ako kahit ganyan ganyan lang, subalit ngayon, kailangan kong harapin ang lahat ng mga seryoso at komplikadong mga bagay bago ko makita ang kaligayahan. nakakainis na nga kase... parating sa simulang linya ko lang makikita iyon, na kapag natutunan kong sauluhin ang buong kanta, malalaman ko na lang na magisa ako at malungkot, yan ang malaking pagkakaiba... mahirap ang dinaranas ko, magulo...

tama nga sila na nakakahiya kung iiyak sa harap mo ang lalake, na iiyak lamang siya sa mga damdaming di dapat iniiyakan. nakakaasiwang umiyak at maglabas ng emosyon sapagkat lahat ay di nasanay sa gayon. kung kaya minsan, kailangang umiyak ng patago, pasanin lahat ng problema, magisip magisa ng mga solusyon, maging seryoso, at sa huli malalaman mong mas emosyonal lahat ng lalake kaysa sa babae, ang pinagkaiba lamang muli... ang mga babae, isinilang na buka ang bibig...

mahirap ang lagay ko. naiinis na ako, subalit kakayanin ko ito. anuman ang mangyari, iwan man ako ng tinuring kong mundo, magisa ko man tahakin ang daan pauwi, at maging seryoso man muli ako sakwarto kakaisip, magiging ayos din ang lahat, sapagkat ang bawat tono, may sinusunod na anda lamang, at kapag nahanap ko ang agos na iyon... makikiayon na lang ako't sasabay.

sana, sa pagkakataong ito, ikaw ang magturo ng daan, _

`postedat
2:53 AM.


read.
speak.
exits.
about.