|
Wednesday, October 26, 2005

PAGKATULALA NG BOKALISTA
daBOKALIST

hindi ko na matandaan ang una kong pagsulat dito. at hindi ko na ren matandaan ang layunin ng pagkakatalaga ng sayt/ blog na ito. ewan ko ba. noon, naiisip ko lang na kahit hindi ganoon kagaling ang boses ko, sa paraang ito, marahil, maikakanta ko ang mga nais ko sabihin. noon yon. hindi kagaya ngayon na ibang iba na ang mundong aking ginagalawan. hindi gaya noon na iisa lang ang sentro ng buhay ko... hindi gaya noon na... siya, at siya lamang. nagbago na ang lahat.

kaya nakakapagtaka at naiisipan ko pa ring ipagpatuloy ang bUhay ng blog na ito. nakakapagtakang sinisiksik ko pa ang kaunting panahong nalalabi para lamang makapagsulat ng walang kuwentang entry. at nakakainis kasi parte na iyon ng sistema ko... na gust0 ko sanang alisin pa. pwede ba. ni hindi mo nga alam ang tumatakbo sa utak non. ni hindi mo nga alam kung may patutunguhan ng pinagsusulat mo. ni hindi mo nga alam... kung... kung kagaya mo, meron pa ring... spark.

I have immense respect for HER and I often wish she would come over to my side, as it were. But I know she never will. She has too many principles. And if she ever lost those principles, perhaps I would lose my respect for her too.

buhay. kainis. kauta. kelan mo ba ako pagbibigyan? kelan mo ba bibigyan ng pagkakataon ang bokalista (wannabe, yeah, tama) na itama ang mga pinaggagawa niya? naiinis ako sa tuwi tuwinang may mga bagay na hindi naayon sa gusto ko. at kasama na siya don. naiinis ako, kasi walang panahong nagisa ang iniisip namin. walang panahong nagkasundo kami. walang panahong sumaya siya sakin.

kaya masisisi mo pa ba ako kung ipinagpapatuloy ko pa ren ang blog na ito. marahil hindi. sapagkat hanggang ngayon. ikaw at ikaw lamang ang nakakaintindi ng buong istoryang ako mismo ang gumawa. sapagkat hanggang ngayon, ano mang pilit ang gawin mo, may mga bagay talagang pipigil at pipigil sa inyo. kung magpapadala ka, tanga ka. subalit kung hindi, mas tanga ka. sapagkat ano ang napapala mo sa paglaban, kuno, kundi wala. at wala ng iba pa.

kaya sabi ko sa iyo. magbago ka ng istayl. ng pananaw. hindi na uso ang mga sinasabi mo. at hindi na ren usong siya at siya pa ren...

RALPH_

`postedat
7:55 PM.


|
Sunday, October 23, 2005

MAY SPARK
daBOKALIST


Image hosted by Photobucket.com

`postedat
10:58 PM.


|
Thursday, October 20, 2005

BEGINNING TODAY_
daBOKALIST

Beginning today I promise you
I give my heart to you
Beginning today I promise to
Never part from you

From now on I will be right by your side
And I swear other things I'll put aside
Beginning today
Beginning today

(I promise you I give my heart to you)
Beginning today there's no one else
On my mind
Beginning today there's nobody else
Right here inside my heart

From now on I will be right by your side
And I swear other things I'll put aside
From now on there'll be no one else on my mind
Beginning today (Beginning today)
Beginning today(I promise you)
Beginning today(I give my heart to you)

From now on I will be right by your side
And I'd swear other things I'll put aside
From now on there'll be no one else on my mind

Beginning today (Beginning today)
Beginning today
And I'd swear other things I'll put aside
From now on there'll be no one else on my mind
Beginning today
Beginning today(I promise you I give my heart to you)
Beginning today

`postedat
9:06 PM.

|

KAWALAN
daBOKALIST

kung ang kawalan mo ang siyang magiging kapalit para saking kasiyahan...
mabuti pang malunod na lang ako sa kalungkutan.

`postedat
12:04 AM.


|
Thursday, October 13, 2005

ANG BUHAY SA LABAS.
dabokalist.live.

wah. tapos na ang lhat ng finals. susme. 2.25 lang ako sa math17. kniz. kung inaral ko lang ang reviewer na yon. kung inaral ko lng talaga. pangapat lang tuloi ako sa klase. pero ayos lang. hahaha. at hulaan mo kung ilan ako sa PE... 1.25, hindi na masama. hahaha. buhay. lyf. parang... parng... parang morning.

wah. sa wakas. tapos na. sa wakas. s kaunting panahong nlalabi. masaya. npakasaya. kunsabagay. hindi na nakakapagtaka. pero ewan ko. ewan ko lang. masyadong mgulo pero ayos lang. sa ngayon magulo. pero basta darating ang oras na malalaman ko ren ang kasagutan.

kung mahal mo talaga ako...
<male...>
paano mo ipakitang mahl mo ako...

pano mo mapapatunayang 'mahal' mo talaga ako...

totoo ba? gaano? paano? hindi ko alam. hindi ko sigurado. maaari. baka. siguro. hindi ko talaga alam hanggat hindi ko nararamdaman. kung kailan iyon? kung saan?

sana mlapit ko ng malaman ang kasagutan...
HABNG ANDITO PA AKO...


ralph_

`postedat
12:28 AM.


|
Saturday, October 08, 2005

MOVING ON.
dabokalist (20th).

hindi ko ba alam. bangag na naman ako. alas dose na. umaga na pala. wala akon makausap. nakakainis. nakakabangag talaga. tapos na ang math17, bio at comm na lang, tapos bakasyon ko na. kung anuman grado ko, bahala na Siya sa taas.

Hindi mo ren ba naisip? tapos na ang lahat matapos nito. Kung anuman yon, alam kong tayo lang ang nakakaalam. at kung hindi mo siya maintindihan, ang tanga tanga mo talaga. sayang ang eforts ha. pero ayos lang, sanay na ako sayo. nakaalis na nga ako hindi mo pa nahalata, tapos nakabalik na ako, hindi mo pa napansin. kainis ka talaga.

di na nga ako aasa. kabanas pa.

kung anumang kadramahan ang bumabalot sa blog na ito, hayaan nio na siya at ang sumusulat sa blog na ito. minsan lang kayo makabasa ng mabababaw na mga kadramahan na di nio na dapat pa pinapansen. pagtyagaan nio na lang, makisali na ren kayo sa liga. hindi lang ako ang nagiisang kumakanta ng sintu- sinto. hindi lang ako ang nakakagawa ng mga kantang makabuluhan lang para sa akin at sa mahal ko, hindi ako nagiisa, alam ko kaya maraming kanta sa mundo, dahel maraming tao ang kagaya ko.

ganyan ang buhay. at ganito ako.

sembreak na. handa ka bang pagtyagaan pa ako?

nalalapit na ang pagtatapos ng kanta.
malapit na.
maghanda ka na.

`postedat
9:12 AM.


read.
speak.
exits.
about.