|
Tuesday, June 06, 2006

THE RETURN AT 666
daBOKALIST

matagal din ako nawala. woohoo! buong summer. naisip ko na masyadong liability non ang blog na ito. hindi na siya isang outlet gaya dati na binubuhos ko lahat ng kadramahan ko, kahit wala naman... hindi bagay. nakakasukang kadramahan. kaya ngayon. nagbalik ako. at naisip ko, sarhan na ang blog na ito. hindi ko pa alam, kung may patutunguhan pa ba ang blog na ito, ipakita mo ang daan, kung may dahilan pa ang pagpapanatili, then sabihin mo na. pero ngayon, magbabalita muna ako ng latest sa buhay ko.

Kahapon naranasan ko na ang enrolment pero di ka pa enroll. sa lunes mararanasan ko na ang tinatawag nilang late reg. suwerte ako kung makuhanan ako ng kule sa larawan nila ng napagkahumabang latereg. kahapon din, nakipagkita ako kay GYLL, pinahiram ko sa kanya lahat ng zoo manuals ko last sem. sana magamit niya yon, kahit sa buong sem, tinulugan ko ang lec prof ko. at kahit sa kasagsagan ng lab namen e nakukuha ko pang magbasag ng slides. Nagusap kami, pero kung anuman pinagusapan namen, samen na lang yun. Pag nalaman mo blog kung anu yun, buong mo sakin, tyak mali ang iniisip mo.

showing ngayon ng THE OMEN. at hindi ko napanuod. wala akong kasama.

kahapon, nilapitan ako ng Vniversitas Manila, tinanggihan ko ang offer nila. Parang sa Masig, Apo, at Upsilon. Second Year na pala ako. Hindi na pala ako Freshie. Naisip ko.. naisip ko lang naman. Bakit nga kaya hindi? Ewan. Malabo. Ayoko.

Hindi ako makapaniwala na walang minus .25 ang Histo5 ko. Actually nafrustrate ako kasi kami lang ata ang Histo5vers na walang minus. asar. kung wala lang maingay nung araw na nagalit si mam. o kaya, KUNG ANDUN LANG KAMI NI CHAR, (wahahaha) siguro walang ganung nangyari. pero hindi ko maimagine si mam magalit. parang ang labo. pero sayang missing in action.

ang pangit ng deal or no deal ni kris. sana mangalay na lang siya sa kaka nodeal niya na parang nagcucutting edge siya. at si banker, sana nakikita siya. hindi mukhang mysterious ang dating, mukhang ewan.

sa wakas. nagbalik na ako. masaya na ule ang blog ko. woohoo! mabuhay tayo!

nakabalik na. (dot dot dot)

`postedat
5:03 AM.


read.
speak.
exits.
about.