|
Saturday, April 15, 2006

Magbabalek.

Image hosting by Photobucket
hindi ko pa alam kung kailan. hindi ko pa alam.
kung maghihintay ka, ayos.
kung hindi naman, ayos lang den.
scared of the hatred that my own image can conjure

`postedat
2:56 AM.


|
Friday, April 07, 2006

FULL RECOVERY
daBOKALIST.

I'm back. Matapos ang mahabang panahon. hindi ko napapansing bakasyon. halos itong week at holy week lang, susugod na naman kami sa bago. Naghahanap kami ng bagong matitirhan. Pwedeng kasama ko ang tropa [4] kami; o kaya ang ate ko [sa makati trabaho niya]; o kaya sina eder [hmm... san kaya kami pupulutin?]

Pero sige, sa lunes ko na yun aayusin. Gaya ng aking enrollment. Sana naman pakinggan Niya ang hiling ko na matataas pa rin ang grado ko. Kahit mahirap. Sana kayanin Niya. Para sakin. Hahaha. Mahirap ang BIO. Pero ang matyatyaga ang nagsusurvive. Gaya ng mga gagradweyt na ngayong abril. Mamimis ko sila. Kahit hindi kami naging close, dahil sa Bmas, nakilala nila ako, nakilala ko sila. Ngayon, tadtad ang frendster ko ng bagong kakilala. Kaya sa kanila, Congrats. Sa kin, gud lak.

Matino sana ang regalo ko sa aking predecessor {tama ba yun} sa org. Kelangan kasi na may bibigyang token. So gumawa aKo ng tarp. Mahal. Oo. As in. Hahaha, mapera naman ako saka kaibigan ko naman kaya ayos lang gumastos. Mga libro ngang isang bes ko nga lang babasahin eh binibili ko [ngayon may 15 na akong 'pocket book' hahaha] kaya naman yun, kaso may problema kasi basta na sya naprint nung pinagprintan ko. PINAGKATIWALAAN KO PA MAN DIN SILA. o well...

waahahahaha. ASTIG ANG COMM ko! Dyos ko. Pakiramdam ko asa 1.25 na naman ang grado ko dun. 1.5 siguro. haha, hindi ko alam. Mataas ang mga papeles ko ngayon. Wuhoo! Kung nauno ko pa ang final paper ko... siguro nadala niya na at baka uno ko pa. sayang.

Hindi ko alam kung may patutunguhan ang entry ko. Eto muna. Wala munang drama. Sa susunod na. Bago na ang version ng site. wuhoo. hindi masyadong kapanipaniwala.

Nga pala, LANDAS ang title ng kantang/ lyric na nakadikit sa pic.

hanggang dito muna

`postedat
2:37 AM.


read.
speak.
exits.
about.