|
Thursday, June 23, 2005

EXTREMES SHALL FINALLY LEAVE
unbelievable yet satisfying.

seems like its just been weeks, but thousands of moments have already started, life as hard as rocks, yet strong as the controversies here and within...

pinarinig sa amin ang controversial gloria cd sa orsem namin last monday. noong una, masaya kasi walang klase, walang bio at math. pero hnd naman iyon ang pumasok sakin habang naririnig ko ang iskandalo ng ating lider, hnd ko alam kung dapat ba akong makitalon din sa konklusyon na si gloria nga ang babaeng nagsasalita. pero kung di man siya, marapat lang niya itong patunayan sapagkat mabibigat ang mga binitawan ng babaeng iyon... ang paniguradong isang milyong lamang, ang pagtatanong sa mga 'allies' nila sa mga probinsya kung 'nasolusyunan' ba, ang 'pagpapatahimik' sa ibang taga'kabila', ang mga election returns na basta basta nawawala, ang mga canvassers na nababalitaan, at ang 'pagpapasigurado' na mananatiling lihim ang lahat ng iyon... kung wiretapping ma'y labag sa batas, paniguradong mas labag sa prinsipyo ng bawat tao na nasasaklaw ng batas ang pandarayang 'maaari' niyang nagawa... kasabwat ang garcing iyan.

if then i see this present, what more could i see next?

the present is simply a reflection of the future. Imagine that we spend our whole lives staring into a mirror with the future at our backs, seeing it only in the reflection of what is here and now. Some of us would begin to believe that we could see tomorrow better by turning around to look at it directly. But those who did, without even realizing it, would've lost the key to the perspective they once had. For the one thing they would never be able to see in it was themselves. By turning their backs on the mirror, they would become the one element of the future their eyes could never find.

siguro, marapat lamang na isuot ang tshirt na UP AKO, IKAW? upang ipakita muli sa buong bansa na ang ating paaralan, matapos ng lahat lahat ng nangyari ay nagkakaisa sa isang layuning itigil na ang kabaliwang ito, at palitan na ang dapat palitan, lumayas na ang dapat lumayas, at pigilan na ang pagpipilit na nasa kanya ang 'mandate' ng taumbayan.

`postedat
4:24 AM.


|
Friday, June 17, 2005

THE PRESENT IS THE KEY TO THE PAST
geological find

sinasabi nila na ang kasalukuyan ay salamin lamang ng isang magulong nakaraan. kung ito'y isang teoryang kanilang binuo, marahil pati ako ay mapapaniwala sa malaking 'probability' that it holds true. marahil nga, ang ikot ng mundo natin ay uniformly the same as that with the ikot ng mundo, the same year before common era. kung anong taon yon, hindi ko na alam.

'hello... hello garci...'

sa buong linggong ito, tila hnd pa rin nawawala ang isyu ng ating magaling na presidente, natalo niya pa si kris aquino sa mga intrigang ipinupukol sa kanya, at kung katahimikan lamang ang kanyang naisip na 'final resolve' para matapos na ang isyu, sa palagay ko, nagkamali lang siya ng opsyon... tsk tsk tsk. kung iisipin pa, wala namang naging pagbabago sa nakalipas na apat na taon, bukod marahil sa pagiging ignorante nina arroyo, drilon, de venecia, at maging ni davide nariyan pa ang hnd matapos tapos na isyu ng jueteng to the fourth level; ang trapik sa apat na sulok ng kalakhang maynila; ang fourth degree rise ng goods; ang apat na milyong bagong magasawang naliligaw ng landas at panibagong apat na bilyong dahilan kung bakit ako pilipino...

'toxic... level four'

mahirap pala talaga sa u.p. minsan naiisip ko na lang, kung masaya bang nakikilala ka ng ibang upperclassmen na galing din sa science at itatanong sa iyo, 'uy musta, ano course mo'? at pag nasagot mo na 'bio po' sasabihin nman nila na 'ah ok,' tapos diretso sila sa annex. pag pasok mo sa room ninyo, maingay na maingay ang klase, at susubukan mong makijoin in... at iingay pa lalo. pero pag dating ng mga prof, hala na... panibagong tagisan ng galing habang pilit kang nakikisabay sa magagaling na magtaas ng kamay (minsan tuloy namimis ko ang english class nitong 4th yir high) at sa huli, malalaman mo na lang na dinidiktahan na kayo ng assignment... at sabay ka na ring nagdarasal na sana, ang prof sa next class ay wala kahit 15 minutes...

gaya ng math 17... isang miting out of the first two weeks of class. pero marami pang ggwin, maami pang uunawain. sabi nga nararapat lamang na makisabay ka sa ikot ng mundo, kung nacompute na nga ng tao ang speed of light, nararapat lang din na makipagkarera sa bilis na ito, para sa huli, mapatunayan ng tao ang kanyang galing, talino, at... konting katangahan.

... habulin ba naman ang kidlat.

kaya mga tropa peepz, co- bloggerz, blockmatez (dabest... bow!), UPians, always remember that... life... can never be defined... definitely!

`postedat
4:00 AM.


|
Saturday, June 11, 2005

TOXIC.

sa wakas natapos na nga ang unang linggo ng pasukan. ika nga first day punk. masaya kasi marami akong nakilala ngayon, maraming nakasama, at maraming experience na kakatwang nangyari pa mismo sa akin.

mabuti at wala pang lumilitaw na math17 prof. pero kung may balak rin syang lumitaw, ayos lang. magamit ko man lang sana ang mga natutunan ko, . at napansin ko, ang UP, may tulad din sa Science... gustong gusto ko ang microscopes kasi... malfunctioning, either walang iris diaphragm o kaya kulang ng objectives, name it all. and then, still have to finish chapter 1 of our bio 10 manual. hindi pa dyan kasama ang history 1... mind you block mates, never open your cel during dat period ok, alam naman nating ayaw ni prof gumawa ng test, at ayaw din natin so please turn off those pag period niya. and mind if i say our sir villaluz in college... hehehe.

olrayt, so far so good. mabuti andyan lang ang ating annex but again, i'm just adjusting wih all these beginnings... someday i'll just hang out with the hot elevator, wait for those taking their shower, take those surprise quizzes, and hang out on the seventh floor. sige paborito ko na xa ngayon, and somehow, i'm learning to move on. hehehe.

if somehow i may not be able to update with you guys, i'm sorry, you know i'm busy... and finally, to my blockmates... a nice sem ahead... sino ba mr. and ms u natin?!

<;p>

`postedat
4:53 AM.


read.
speak.
exits.
about.