|
Thursday, December 13, 2007

2007 ENDS
daBOKALIST.

tatlong buwan ng kawalan.

bow.

naisip ko isiwalat sa iyo ang mga huling latest sa buhay ko. kaso, nung binuksan kita, agad sinabi ang send verification now. mukhang hindi ka na kilala blog ko. bukod sa tamad na magbasa ang mga tao, sadyang wala ng interesado. maski ako. kung tutuusin, wala pa nga ang ginagawa kong pagbablog sa mga pinaggagawa ko nung musmos pa ako. websayt. upload dito upload dun. at kung anu anong effort. ngayun multiply, at blogspot na nga lang, tinatamad pa ako magupdate.

marami na nga ang nagbago.

pag nakakasalubong ko ang 'nanay' ko, ngayun, hanggang palo, hi hello na lang. wala na yung mahahabang kuwentuhan. kamustahan. ang mcdonalds. hindi sa pilit kong hinahanap. siguro. wala lang talaga siya. wavelength.amp.

sa sobrang dami ng nagbabago. tinatamad na ako magenumerate. nagbago mga kasama ko sa dorm, mga blockmates, mga nonblock na kaklase, mga teachers, mga klase ng exams, mga palabas sa tv, mga bagong tugtog. minsan, iniisip ko, tinatamad na ako makisabay palagi sa kanila. at minsan din, tinatamad din ako magisa. malabo. pero wala ng mas lilinaw sa papalapit na pasko, at kulang ako.

hindi kita hinahanap. at wala akong balak lapitan ka.
pero sa tuwing alam kong hindi mo na ako kakausapin,
at lam kong imposible na rin kita makausap, alam ko
na tapos na ang lahat.

kasi nagbago ka. at minsan, ayoko nga ng pagbabago. hindi na tuloy kita kilala.

pasko na. at sa lahat, sa lahat kunwari ng nakabasa nito,
maligayang pasko,.

`postedat
4:53 AM.


read.
speak.
exits.
about.