|
Monday, April 25, 2005

CHANGING HYMNS

pano ba yan, mukhang napakabilis ng pagbabago ng bawat nota, parang sa isang gabi, matapos mong kantahin ang iyong grad song, matapos mong yakapin ang mahal mo, matapos kang magsory sa kaibigan mo, matapos paliparin ang pangarap mo... narito ka na naman at naguguluhan sa makamundong himig na sinamahan pa ng makasariling Gclef...

tama ba kung sabihin kong sa pagkakataong ito, panibagong kanta na ang aking ipaparinig, o sa pagkakataong ito, hindi mo na rin siya maririnig... kasi nga hindi ba tapos na ang lahat, tapos na ang araw na iyon, i mean, ano pa ang maaaring idugtong natin doon ha?

siguro nga sa pagkakataong ito, magbabago uli ang lahat, panibagong pananamit, pananalita, panibagong cap, panibagong acce, panibagong... kanta,,

o sabihin na nating, panibagong ako, at panibagong ikaw...

sa pagkakataong ito kaya, sa kalagayan nating nagbago na ang lahat, magawa kaya tayong pagtagpuin at pagsamahin...

...considering, IBA na ang kanta,
IBA na ang samahan
IBA ka na...
IBA nako
IBA... iba..

...mahal kita.

kumakanta,
daBOKALIST

`postedat
3:01 AM.


read.
speak.
exits.
about.