|
Friday, April 29, 2005

KATANGAHAN KO.

Kung kailan akala ko nasa kamay ko na siya, dun pa siya kumawala...
kung kailan akala ko ayos na, doon papasok ang gulo,
kung kailan akala ko tama nang kausapin ko siya, doon siya tumahimik,
kung kailan akala ko matalino na ako ngayon, doon pa ako natanga...

Minsan tuloy nahihibang ako, hindi mapakali at hindi maintindihan
Minsan na rin inakala ko na ayos na ang lahat
Minsan ko na rin sinubukang lapitan siya
subukin kung naibalik ang dati at kung maaaring magpatuloy na...

kung ang larawang nakikita'y ang pagkabigo
kung di pagpapansinan ang susundin ko
paano ko malalaman na ako pa rin ang laman ng puso
paano ko mararamdaman ang himig ng bawat tono?

ang bokalistang ito nga naman
natatameme at muling nagdadrama
sa bawat himig niya't sa bawat salita
marinig kaya ng mahal niya?

`postedat
2:35 AM.


read.
speak.
exits.
about.