|
Monday, May 30, 2005

Isang linggo na lang, papasok na ako. Ang problema nga lang, hindi ako handa. Ayan nalimutan ko na ang mga prinsipyong pinupukpok samin non sa BSP... haha, oo nga pala. Malimutan kong sabihin.. namimis ko na kayo... pero siguro mas masaya ang buhay ko sa kolehiyo, biruin mo hindi na to gaya ng science at isa pang biruin mo ay sa UP ito. ibig sabihin, maraming.... makikilala.

Nakakabagot nga sa bahay, ang inaabangan na lang ay ang susunod na palabas, ang susunod na tugtog. naisipan kong buklatin ang zoo workbuk ng kapatid ko, pero sampung segundong pagbuklat, sinarhan ko na rin, wa epek... hahaha...

sabi ko nga kanina pa hindi pa ako handa sa pagpasok. nakakainis, gusto ko maextend bakasyon, pero minsan ang mga gusto sadyang hindi natutupad para hindi sumaya ang mga batang kagaya ko...

kaw talaga ang engot mo pa rin... bobo!

`postedat
1:45 AM.


read.
speak.
exits.
about.