|
Friday, July 01, 2005
IT IS THE PAST THAT DIGNIFIES THE PRESENT_
college in perspective.
'...in a see of strangers where everyone's just a face'
'a person stands out...'
sa loob ng isang buwan, nakita ko na ang buong kaibhan ng aking buhay ngayon at noon. hindi ko lubos maisip na magiging ako ang nagsasalita ngayon. pero ayos lang. masasanay na rin sa wakas. malaki ang kaibahan ng hayskul at college. kung baga sa daga, isang keso lamang ang hayskul, subalit ang college, kailangan mo munang maiwasan lahat ng patibong, at kung malusutan, don mo pa lang makukuha ang keso na gusto mo.
masaya ako ngayon. mas masaya. sa totoo lang, iba ang dating sakin ng mga bago kong nakakasama. natatawag ko sila gaya sa kung anu anong pangalan na kahit hnd close, dahil lang don, magiging mas magkakilala kami... bikbik, abz, tetet, lala, an-an, at kung gaano karaming bes nawala saking kamay ang aking pamaypay para hiramin nila, ang secret ingredient, malay ko ba. kung gaano kalakas ang kanilang mga ingay tuwing wala pang guro, at kung paano ako magsasalitang 15 minutes na, sibat na tayo... kung paano ako makipagtrip sa tropa, kung paano magsama ang conyo, ang late, at ang tagascience ng ibat ibang lugar. ang pakiramdam ng pagiging isang reporter, at ang pakiramdam ng pagkuha ng quiz na negative pa ata ang result ay magkapareho na. ang patago kong paghikab habang ang nasa likuran ko ay natutulog na. ang pagwowokout ng aming vice chair... kung anong dahilan... malay ko.
sabay sabay namin natututunan ang mga parte ng halaman, sabay sabay humihiram kay manong ng microscope prepared slide at isinusuko ang aming mga id. sabay sabay din kami habang pinagtatawanan ang mga vulgarism, boink, ass, fuck and the like. at nagugulantang sa pikpik, at paputa-putaki, kung gaano man ka standard, kasubstandard ang aming kaligayahan, ang mahalaga, lakas trip, saya kasama, kablock nga eh.
mas masaya ako ngayon, natututunan ko ang halaga ng buhay, at unti unti, nakikita ko na ang mundong binalot ko sa maling tao, ngayon nawawala na, salamat naman. sa ngayon, masaya ako at natututunan ko ng maging ako, tumayo bilang ako, at hindi na maging tanga, sapagkat minsan, kinalimutan ko ang 'ako' sa buhay ko, dahil lamang sa isang 'kanya' na hindi man lang ako napansin... ayos lang, sanay na ako.
kaya naman, maipagmamalaki ko sa lahat lahat na panibagong yugto na ang haharapin ko. masaya ako siyempre, at hindi ako manghihinayang sa mga taong maaaring kalimutan ko dahil mismong sila, mismong silang napamahal sakin, hindi ako kilala.
tama na nga, ang drama, hindi bagay.
`postedat
4:53 AM.