|
Saturday, August 13, 2005

FALLIN OUT.
daBOKALIST

nagmumuni muni sa paligid, hindi tanaw ang ninanais. nakakabadtrip. kung kailan alam mong may mga bagay kang sadyang abot kamay na, don mo maiisip na tumakas at tumakbo. nakakainis ka. hanggang ngayon ganyan ka pa rin. walang kuwenta. tanga, tarantado, gago... ako.

hindi ka ba napapagod. nagsasawa. sa tuwi tuwina kailangan kang maging ganyan. hindi ka pa ba naririndi sa mga sintonado mong boses, o simple lang naman ang tanong eh, may nakikinig man lang ba? ha? o iniisip mo pa rin na may pagasa pa, na kahit papano may pinanghahawakan ka pa? gumising ka nga. ang tanga tanga mo.

kailan ka ba magiging masaya?

pag nakita mo siyang wala na... o pag kasa kasama mo na siya?

o ang tanong na lang pala ay...

masaya ka ba ngayon?

hindi kita masisisi kung ganyan ang ugali mo ngayon. oo. inaamin ko, ganyan din ako. pareho lang tayo. pero may mga bagay na sadyang pinagiiba tayo. kahit papano, alam natin sa isa't isa na may mga bagay na sadyang pwede... pero meron din namang sadyang hindi.

kaya kung pwede lang...

`postedat
2:43 AM.


read.
speak.
exits.
about.