|
Wednesday, October 26, 2005

PAGKATULALA NG BOKALISTA
daBOKALIST

hindi ko na matandaan ang una kong pagsulat dito. at hindi ko na ren matandaan ang layunin ng pagkakatalaga ng sayt/ blog na ito. ewan ko ba. noon, naiisip ko lang na kahit hindi ganoon kagaling ang boses ko, sa paraang ito, marahil, maikakanta ko ang mga nais ko sabihin. noon yon. hindi kagaya ngayon na ibang iba na ang mundong aking ginagalawan. hindi gaya noon na iisa lang ang sentro ng buhay ko... hindi gaya noon na... siya, at siya lamang. nagbago na ang lahat.

kaya nakakapagtaka at naiisipan ko pa ring ipagpatuloy ang bUhay ng blog na ito. nakakapagtakang sinisiksik ko pa ang kaunting panahong nalalabi para lamang makapagsulat ng walang kuwentang entry. at nakakainis kasi parte na iyon ng sistema ko... na gust0 ko sanang alisin pa. pwede ba. ni hindi mo nga alam ang tumatakbo sa utak non. ni hindi mo nga alam kung may patutunguhan ng pinagsusulat mo. ni hindi mo nga alam... kung... kung kagaya mo, meron pa ring... spark.

I have immense respect for HER and I often wish she would come over to my side, as it were. But I know she never will. She has too many principles. And if she ever lost those principles, perhaps I would lose my respect for her too.

buhay. kainis. kauta. kelan mo ba ako pagbibigyan? kelan mo ba bibigyan ng pagkakataon ang bokalista (wannabe, yeah, tama) na itama ang mga pinaggagawa niya? naiinis ako sa tuwi tuwinang may mga bagay na hindi naayon sa gusto ko. at kasama na siya don. naiinis ako, kasi walang panahong nagisa ang iniisip namin. walang panahong nagkasundo kami. walang panahong sumaya siya sakin.

kaya masisisi mo pa ba ako kung ipinagpapatuloy ko pa ren ang blog na ito. marahil hindi. sapagkat hanggang ngayon. ikaw at ikaw lamang ang nakakaintindi ng buong istoryang ako mismo ang gumawa. sapagkat hanggang ngayon, ano mang pilit ang gawin mo, may mga bagay talagang pipigil at pipigil sa inyo. kung magpapadala ka, tanga ka. subalit kung hindi, mas tanga ka. sapagkat ano ang napapala mo sa paglaban, kuno, kundi wala. at wala ng iba pa.

kaya sabi ko sa iyo. magbago ka ng istayl. ng pananaw. hindi na uso ang mga sinasabi mo. at hindi na ren usong siya at siya pa ren...

RALPH_

`postedat
7:55 PM.


read.
speak.
exits.
about.