|
Tuesday, November 29, 2005

SEA GAMES... GETTIN' STRONGER!
daBOKALIST.

galing ng pinoy!

kakaiba ang galing ng ipinapakita ng ating mga atleta. sa totoo lang, mula pa kahapon, umabot na sa 41 na ginto ang kanilang naiambag upang palakasin ang kanilang kampanya para sa over-all championships. isa pa, nalampasan na nila ang 33 gold production nila sa nakaraang SEA games two years ago.

noong lunes, nanuod kami ng FENCING event sa San Juan Gymnasium. walastik ang mga pinoy, akalain mong 2 sa tatlong ginto nahablot nila! lang hiya! andun pa si Richard Gomez para magbigay suporta, yun nga lang, mukha naman atang natalo siya sa elims pa lang kse hnd na siya naglaro sa finals (o hnd na nmin inabutan)... andun din si Lucy Torres, at sus... amputi niya, habang ang asawa niya, maitim pa ren. >_< hehehe.

SANA, manalo ang pilipinas! gerr... isipin nio, kung first tayo, lahat masaya, kung second o third sasabihin nila na nalampasan nila ang fourth place finish last SEAG at kung fourth, ssbhin nila na aus lang since nalampasan nila ang gold medal quantity... sus, hnd na bago yan, [pero juzt d same, sana manalo nga tayo]...

sulong laban wag uurong, pakinggan sa yong puso ang sigaw na nadarama mo, posible!

(feeling ko mali lyrics eh, hehehe)

==============================
patay! ako'y kanila na namang binubulabog... wah... pag pasok mo sa UP, sila makakasalubong mo...

F: ano kumusta na ba ralph?
R: ah, eto ayos lang.
F: galing mo ah, panalo kau.
R: sus...
F: so ano, ?
R: ha?
F: yung pinagusapan ntin...
R: a yon ba, ayoko talaga eh... (sus, lumang istayl)
F: ah, ganon, pero ngayun lang?
R: ha? siguro...
F: sige...

tas... paglabas ko uli ng up...

F: Ralph! san ka pupunta?
R: uwi na, hehe
F: ah, sige.

at mula nman sa kabila, nalaman na nila ang cp ko,,, wah...

F: Ralph, si ______ to, yung nagorient sa yo, kelan ba ang free tym nio???
(siyempre hnd ko nareplayan, lang lowd non eh...)

BOTTOMLINE...

ASA NAMAN KAYU na sasali ako,... hahaha...
akalain nio yun...

==================================
BIOMAS...
ah, hindi ako sumama sa induction nila ng new officers... marami ang sumama sa blk1... at masaya naman daw ang pangyayare... tas naggen assembly kame, pinakita na ung ginawa kong id at shirt design sa kanila... wah... pasable!!! hahaha!

tas, may xmas party pang magaganap... tas, nakausap ko ang isang officer don tas nalaman ko na may galing din sya, kaya ayun... usap usap... hek4...

tama na muna yun... pagod na kong magkwento...

... sa susunod drama mode na ko...

_nakikisabit...
in my sabit mode,

RALPH_

`postedat
7:06 PM.


|
Saturday, November 26, 2005

THE CHAMPION. WE DID IT.
daBOKALIST.

Minsan lang ako magyabang. Kahit alam ko na marami akong mga bagay na dapat naipagyayabang. humble eh. pero natural na rin sa akin ang magyabang. tama... natural. pero wala talaga eh. pano ba yan, kami ng partner ko ang nanalo sa extreme masig challenge... andun ang dentistry... andun ang public health... pero bio talaga eh. hehehe. tama, bio talaga.

akalain mo yun, kami pa nanalo...

naisip ko, parang ang gaan gaan ng mundo ko ngayon. hindi kagaya noon. tama, ngayon magaan ang lahat. isipin mo nga namang, nakuha pa akong maorient, tapos nainitiate na rin ako sa org ko, tas ang dami dami pang kakaibang pangyayari. parang hindi ko talaga inaakala na mangyayari iyon sa akin, siguro medyo pinagpapala talaga ako ng mga panahong iyon... na sa wakas feeling mo malaya ka... i dunno. hindi ko sinasabing nakakulong ako noon, siguro ngayon mas nakikita ko na ang sarili ko, at masaya ako at isa 'sila' sa mga nagpapakita ng mga ganoon...

akalain mo yun, ako ang promotor na maglaro ang lahat ng dota, maski ang mga grade conscious at mga hindi mo akalaing sasama sa mga bad influ na gaya ko napapasama ko... hek4. at kahit na late na kami, sige pa rin tapos dahil na rin siguro sa aking kaswertihan wala pang prof na darating...

tama... siguro oras oras lang yan. at ngayon, alam kong mahaba haba pa ang tatakbuhin ng oras ko.

... akalain mo yun! ;p

`postedat
3:24 AM.


|
Friday, November 18, 2005

AND HERE GOES NOTHING.
daBOKALIST.

sasali ako sa EXTREME MASIG CHALLENGE!
wow. hek2. sana manalo.
>_<>

`postedat
10:22 PM.

|

GETTING NOWHERE.
daBOKALIST.

MULI, natapos na naman ang isang linggong ito. sa wakas natapos na rin, akala ko hindi kakayanin ng bulsa ko ang linggong ito. linsyak na mga manuals at fotox kayu! kasalanan ninyo ito kung bakit ako naghihirap. naku. naku. dahil sa inyo, walang nangyayari sa aking buhay. hek2. pero dahil sa inyo medyo tumitino ako dahil at least nakakabasa nako. unlyk before, wala akong mabasa. hek2.

BADTRIP. wala lang. nakakahiya sa block ko. at nabubuwist Tlga ako. lunes na lunes, sinabihan ako ng katropa ko na sumama sa kanya, bale buo kaming sumama (siyempre grupo nga eh). tapos yun. pumunta kami sa tambayan 'niya' este 'nila'. hindi ko nman napansin na yon na pala yon. saka ambilis ng pangyayare. maya maya, marami na silang sinasabi sa utak ko. linsyak na yan, naalala ko fratman pala ang katropa kong nagyaya samen. kaya ayun, ang kanilang misyon, ang kanilang achievements, ang kanilang due process, ang kanilang kaewanan na gustong ibahagi sa buhay ko... wah, sa buhay pala ng buong tropa. ano ang nationalism? ano ang service? ano ang ggwin mo pag may sunog? in a scale of 1-10, 1 being d lowest, ano irarank mo sa pagsali ng frat? wag ka magalala, hindi kami gaya ng iba na nananakit at mahilig sa rambol. at pag may natanggal man na kahit isang strand ng buhok, heto ID ko, ibigay mo sa OSA. wala na naman kaming nagawa... wala. at paguwi ko, sinamahan pako ng isa hanggang umabot halos sa rob. sos. naku. lagot.

Kinabukasan, ibang istayl na naman ang nakita ko. nagmamadali ako non, kelangan ko pumunta sa lib para mapapirma na ang aking ID. siyempre useless yon kung walang pirma ng kaewanan. pero paglabas ko, hayun, me nagtanong saken a irreg ka ba? tapos ka na magreg? akala ko naman magpapatulong lang ng process (kahit mukha na silang matatanda... hek2) pero maya maya pa nagpakilala na sila. gulat na naman ako. as in sa tapat ng lib. sabi nila, sumapi na ako sa kanila. na walang masama. na freshmen sila sumali non. na masaya sa kanila. at nagimbita pa mismo ng bago nilang myembro para kumbinsihin ako. pero si ako... si ako... ewan ko. tapos eto na nga, habang ang orientation na yun sa may corridor sa LT, DUMAAN SA HARAP NAMIN ANG BLOCK NAMIN (baka kakalunch lang) pero basta, hiyang hiya talaga ako non sa kanila. naku. naku.

pagpasok ko ng rum, kinuwento ng kaklase ko na tinanong pa ni Ivan ng malakas sa block kung FRAT NA BA SI RALPH...

badtrip ka. ayoko na nga. hek2

tapos, may plano ng re-election of block officers. at wala ka... kasama ako don. pero wala lang, ayoko naman talaga kasi pinipilit ako na magblock head na. susme. ayos na sakin ang asst. pero wag na po ang head. hehehe. humble ako, pero kaya na yun ni char. hahaha. tapos, kailangan ko lang magpasa ng kung anu ano sa BIOMAS at spared na ko sa Mon- Wed na task na bibigay nila. kitams? galing ko talaga... at dahil magaling ako, ako ang hinuli sa aming PSYCH10... dabest talaga yun. naramdaman ko na moment ko yun... astig talaga ang psych...

ang SWIMMING namin, wala, SEAG player adviser namin kaya GO FOR THE GOLD. 10 days na lang SEA games na, sana manalo talaga tayu. at sana ideclare na holiday kahit ang OPENING lang ng games, hek2.

sayang talaga. dito sa gentri gaganapin ang COUNCILWIDE JAMBORETTE. nakakainis naman. masyado naman po kasing busy. naku naku. nakakamis talaga ang scouting. pero syempre ang event na un ay para sa mga bata na lang wah. sayang talaga. hindi na lahat gaya noon. nakakamis na ang committee ko na basta na, ang tropa don, ang laws at panunumpa ng scout, ang saludo, ang left hand shake, ang kaengotan ng mga nakakataas, ang pagtulog ng mga Scouter na teacher namin habang lahat kami puyat, ang pagligo sa ilog, ang mainit na bato, ang bundok, ang hiking, ang laging handa, ang... ang... si aKo... pag si scout Uniform ang suot ko. sos.

bale yun lang muna. sa susunod na lang. nakidaan lang ako dito para maglabas ng aking sama ng loob. sana next week, magbago na lahat... isama ko na 'siya'... kakainis na eh.


RALPH_
>_<


`postedat
7:04 AM.


|
Friday, November 11, 2005

A PERFECT WEEK.
daBOKALIST.

Masyadong naging masaya ang linggong ito. bukod kasi sa nakita kong muli ang tropa, ang blockmates, ang Rob at UP, naranasan ko muli ang sikat ng araw. bagong buhay. hek2. bagong stayl ng tawa. bagong tono. bagong ralph.

bakasyon pa lang, nagsimula na akong magwork out. hindi lang basta basta work out yun mga tsong, masyado ko ngang kinakarir ang PE class namin non kasi ngayon, twice a day, 3 times a week. hmm... bout an hour or more kada araw. weight training para sa biceps, triceps, at ang leg training na rin. pagbalik ko ng UP, pinasok ko na rn ang gym ng condo. hek2. kapal no? pero ayus lang nman daw. nakilala ko don si amir. dent student. weightlifter at panabong non ng skul nila sa weights. hek2. yon. professional kaya nagpaturo na ren. whew. hebigat mga tsong. imaginin ninyo... u do weight training, tapos the treadmill, wah. kaya minsan sakit sa katawan. pero sabi nman ng mga nakakausap ko don, ayus lang daw yon. bata pa kasi, hek2.

and then sa skul naman, nagyayaya parati ng dota sina huck. gome. e isang bes, naglaban kami ni paolo. hindi ko pa naman kasi kapa ang larong yon. pero ayus na rin. panalo. sa loob ng isang oras, level 25 na. 7 out of 11 towers ang napasabog, 6 na bes napatay ang kalaban at ilang items na rin ang nabili ko. wahekhek. gulat tuloy sila...

pagkatapos kahapon lang, dahil sa dalawang teacher lang ang sumulpot sa loob ng 1 week na to, nagkayakagan na kumain na lang... pagkatapos nanuod na lang kami nina quimba ng movie, nung isang araw lang siya nagopen kaya kala ko dami nanuod... AB-Normal Beauty. sayang ang ganda pa naman ng babae... pero ayun, hek2. maganda ang istorya. nakakaloko talaga. nakakahilo pa. first tym ko uli ngayong taon nakanood ng movie na me sub titles... pero worth it naman... sila kasama ko e.

si mam co uli teacher namin sa Zoo. sosme. kayanin ko kaya uli xa? o kayanin niya uli kaya ako? hek2. buhay talaga. naku naku. sana hindi matuloy ang plano nila. ayoko. ayoko talaga... biruin mo... gagawin akong blockhed... auko. auko sabi eh.

>_<>

`postedat
9:57 PM.


|
Wednesday, November 02, 2005

BREAKING APART.
daBOKALIST

WANTED: perfect HOUSEWIFE...

>_< it's too early to search. But... I'm to eager to have one.
>_< it might sound bad, yes it would probably... I feel it the way you do.
>_< it's just that, I know that this lucky girl wud help me...
>_< and maybe, just maybe, I might be happier
>_< if only I'd find that girl...
>_< or if only God would give it to her.. now.
>_< I just feel lonely, sad, alone.
>_< and betrayed as well.
>_< but it's all right. I can manage.
>_< and I can wait for her to come
>_< or to be given.
>_< maybe a year
>_< 2 years
>_< maybe a decade.
>_< i hope it would be soon.
>_< i'm just out of principles right now.
>_< yeah. out of mind. who would even search
>_< for a housewife this early.
>_< im eager... yes.
>_< excited too.
>_< but i'm not hoping i would be her...
>_< i know it won't happen.
>_< things have changed. emotions were wrong
>_< in saying she is the one.
>_< i guess, i'm just... i don't know.
>_< but i guess you understand...
>_< don't you?

wah. what a life.

`postedat
3:22 AM.


read.
speak.
exits.
about.