|
Friday, November 18, 2005

GETTING NOWHERE.
daBOKALIST.

MULI, natapos na naman ang isang linggong ito. sa wakas natapos na rin, akala ko hindi kakayanin ng bulsa ko ang linggong ito. linsyak na mga manuals at fotox kayu! kasalanan ninyo ito kung bakit ako naghihirap. naku. naku. dahil sa inyo, walang nangyayari sa aking buhay. hek2. pero dahil sa inyo medyo tumitino ako dahil at least nakakabasa nako. unlyk before, wala akong mabasa. hek2.

BADTRIP. wala lang. nakakahiya sa block ko. at nabubuwist Tlga ako. lunes na lunes, sinabihan ako ng katropa ko na sumama sa kanya, bale buo kaming sumama (siyempre grupo nga eh). tapos yun. pumunta kami sa tambayan 'niya' este 'nila'. hindi ko nman napansin na yon na pala yon. saka ambilis ng pangyayare. maya maya, marami na silang sinasabi sa utak ko. linsyak na yan, naalala ko fratman pala ang katropa kong nagyaya samen. kaya ayun, ang kanilang misyon, ang kanilang achievements, ang kanilang due process, ang kanilang kaewanan na gustong ibahagi sa buhay ko... wah, sa buhay pala ng buong tropa. ano ang nationalism? ano ang service? ano ang ggwin mo pag may sunog? in a scale of 1-10, 1 being d lowest, ano irarank mo sa pagsali ng frat? wag ka magalala, hindi kami gaya ng iba na nananakit at mahilig sa rambol. at pag may natanggal man na kahit isang strand ng buhok, heto ID ko, ibigay mo sa OSA. wala na naman kaming nagawa... wala. at paguwi ko, sinamahan pako ng isa hanggang umabot halos sa rob. sos. naku. lagot.

Kinabukasan, ibang istayl na naman ang nakita ko. nagmamadali ako non, kelangan ko pumunta sa lib para mapapirma na ang aking ID. siyempre useless yon kung walang pirma ng kaewanan. pero paglabas ko, hayun, me nagtanong saken a irreg ka ba? tapos ka na magreg? akala ko naman magpapatulong lang ng process (kahit mukha na silang matatanda... hek2) pero maya maya pa nagpakilala na sila. gulat na naman ako. as in sa tapat ng lib. sabi nila, sumapi na ako sa kanila. na walang masama. na freshmen sila sumali non. na masaya sa kanila. at nagimbita pa mismo ng bago nilang myembro para kumbinsihin ako. pero si ako... si ako... ewan ko. tapos eto na nga, habang ang orientation na yun sa may corridor sa LT, DUMAAN SA HARAP NAMIN ANG BLOCK NAMIN (baka kakalunch lang) pero basta, hiyang hiya talaga ako non sa kanila. naku. naku.

pagpasok ko ng rum, kinuwento ng kaklase ko na tinanong pa ni Ivan ng malakas sa block kung FRAT NA BA SI RALPH...

badtrip ka. ayoko na nga. hek2

tapos, may plano ng re-election of block officers. at wala ka... kasama ako don. pero wala lang, ayoko naman talaga kasi pinipilit ako na magblock head na. susme. ayos na sakin ang asst. pero wag na po ang head. hehehe. humble ako, pero kaya na yun ni char. hahaha. tapos, kailangan ko lang magpasa ng kung anu ano sa BIOMAS at spared na ko sa Mon- Wed na task na bibigay nila. kitams? galing ko talaga... at dahil magaling ako, ako ang hinuli sa aming PSYCH10... dabest talaga yun. naramdaman ko na moment ko yun... astig talaga ang psych...

ang SWIMMING namin, wala, SEAG player adviser namin kaya GO FOR THE GOLD. 10 days na lang SEA games na, sana manalo talaga tayu. at sana ideclare na holiday kahit ang OPENING lang ng games, hek2.

sayang talaga. dito sa gentri gaganapin ang COUNCILWIDE JAMBORETTE. nakakainis naman. masyado naman po kasing busy. naku naku. nakakamis talaga ang scouting. pero syempre ang event na un ay para sa mga bata na lang wah. sayang talaga. hindi na lahat gaya noon. nakakamis na ang committee ko na basta na, ang tropa don, ang laws at panunumpa ng scout, ang saludo, ang left hand shake, ang kaengotan ng mga nakakataas, ang pagtulog ng mga Scouter na teacher namin habang lahat kami puyat, ang pagligo sa ilog, ang mainit na bato, ang bundok, ang hiking, ang laging handa, ang... ang... si aKo... pag si scout Uniform ang suot ko. sos.

bale yun lang muna. sa susunod na lang. nakidaan lang ako dito para maglabas ng aking sama ng loob. sana next week, magbago na lahat... isama ko na 'siya'... kakainis na eh.


RALPH_
>_<


`postedat
7:04 AM.


read.
speak.
exits.
about.