|
Saturday, December 31, 2005

HELLO 2006!
daBOKALIST.

sa papasok na bagong taon (ehem), habang busy ang lahat sa pagpapalakasan ng paputok ng patok na patok na PVC cannon (opo, nagawa pa naming bumili nyan dahil nacurious sa alcohol na bala, hihihi), heto ako at nagsusulat sa aking blog... weh. malapit na magtapos ang taon, at sa pagbubukas ng taon, hindi ko alam ang mga haharapin ko... sa lunes... yep... hihi, sira kasi ako. ang bad bad ko daw. wah. badboi tuloi tawag sakin. biruin mo... sa halos 2 linggo bago magxmas break, marami akong katarantaduhang ginawa... kaya heto ako, at gagawin ang aking last will and testament sa mga taong aking napurnada ngayong taon... (nga pala, yung last will and testament... para lang yan sa taong to, next yir baka meron ule, hehe, yon eh kung buhay pa ang badboi na magsosory ngayon hauahahha)

sa buong liga nina CHAR, kasama na ang madadramang tao, (pasenxa na hnd ako sanay sa mga ganyan, hehe, ang environment kasi non, ako ang madalas na nagsosorry, at asiwa ako na ako inaaproach, weeeh!)... ayan. senxa na sa mga kabulastugan ko. haha, batukan nio nga uli ako minsan para magtino na. saka wag nio ko sabihan ng tumingin sa mata... nakakatakot. hahaha! pero pis na tyo. hehe. susubukan ko naman. pramis. siguro nga nadamay lang kayo. pero ewan din natin. hahaha. sus.. sa susunod, wala ng selosan, kasi hnd nman totoo... kagulat... kagulat na selosan na yan ah... mis ko na kayo. oo totoo yan. hahaha.

sa mga tao dito sa bahay namen, naku... pasenxa na. kahit alam kong hindi nio alam na may site ako dito na tagpuan ng aking kadramahan at kasentihan... na bahay ng aking sama ng loob, na tahanan ng aking mga kamay pangtayp, hehehe, wala. bat nga ba ako nagsosorry, kasi ako ang pinakatamad. huahahaah! kasi.. ako ang pinakagala sa lahat, at ako ang may pinakamalaking pabor. hahaah! pasenxa na at parating nabubusy ko ang phone sa halos buong araw na internet, at sa katahimikang aking pinapakita... ambaba tuloy ng grado nio sakin sa psych. di bale, babawi ako... next yir. kung di next yir, sa susunod na lang. hahaha.

sa mga tao naman sa condo, mga fellow housemates, pano ko ba to sasabihin, ah basta. alam nio namang from that day on, maraming pagbabago ang magaganap. pasenxa na dahil ako ang kumakain ng major fraction ng bigas... pero wag kayo magalala, kalahati nman nung price ako na nagbayad. hindi pa nga ata kayo abyad sa huling kanin... geeerrr... hahaha! pasenxa na kung magiging tahimik ako sa inyo kung minsan, kung topakin ako, at hindi magparamdam... mas maganda minsan kasi ang balance of nature. huahahaha! tama. tama.

sa mga kaparte noon ng buhay ko, hindi ko ba alam sa inyo. ang gugulo nio. kaya tuloy para kayong saranggola, minsan mas masarap pakawalan at makita kayong lumipad na lang ng mataas, minsan para kayong lobo, na mas masarap paliparin sa taas (at ipakain sa mga whales...) ewan. bahala na kayo. hahaha. hanggang sa huleng pagkikita. o kung may tsansa pa, sasabihin ko sa inyo, na KAYO ANG LUMAYO HAH, HND AKO.. NI HINDI NGA AKO NAG GOODBYE toot-tooot sa inyo. kaya kasalanan nio na ren yan... hahaha. hay buhay.

orgmates, kayo na bahala magbenta, tapos na ang aking gawain... huahahha...

yan na lang muna... hahaha, nakakatamad din pala magsulat. sa lahat ng blockmates ko, hapi new year ok..

hahaha, paalam 2005...

geh. hanggang sa muli... see you sa yong multiple... 2010... sa panahong yan, sana asa COM ako. haahah.

`postedat
3:36 AM.


read.
speak.
exits.
about.