|
Sunday, January 29, 2006

ROUND ONE.
daBOKALIST

HAHAHA! may bago akong version.
(paki ko naman... ;p)

Image hosting by Photobucket

`postedat
3:48 AM.


|
Thursday, January 26, 2006

MAGALENG AKO.. ALAM KO.
daBOKALIST

Kailangan ko ng simulan talaga ang research ko. wala na akong oras. toxic na ang paligid ko. waah. sana masimulan ko na sya.

Balita. Balita. Alam mo bang sumapi ako sa CYA_CLS? isa yon sa mga proyekto ng CYA, life series daw. libre ng KFC pagkain kaya mukhang mas masaya. pero ewan ko din lang. sa totoo lang, niyaya lang ako ni LIAN, at siguro nga tama ang nasa isip ko. na about 2-5 more years, pag ako na nakatayo sa harap nila, sasabihin ko din na once, si lian ang nagimbita sakin don, once may libreng KFC, once, naisipan kong ipagpatuloy ang series.

seryoso ako don. kelangang magbagong buhay. lalo na ngayon...

makukuha na namen ang block shirt namen. may event na sa wakas ang org ko, at kinasapi kami. logistics ako para sa biomas inter-univ event. tapos, pinapasali na ren ako sa UP_SAGISAG. dati pa yon, pero ngayon ang second call. sasali ako. oo, lapit na.

kahit masyadong hectic ang sched ko para sa taxo at zoo... ayos lang. sige lang.

... yun muna

`postedat
1:35 AM.


|
Tuesday, January 17, 2006

COUNTERFLOW.
BOKALISTA sa ikaSAIS

kakakuha ko pa lang ng mga bagong pandagdag atraksyon saking pitaka. ang POWERBOOK's CARD ko at ang NETOPIA... huweee. sa wakas. matagal tagal din ang proseso ng paghihintay. pero ayos lang. mabuti naman at naibigay na ren. kulang na lang ng isa pa, at ginagawa na ata nila yun.

wala na namang bago sa akin. nainis lang ako sa iskor ko sa dep ko sa zoo10. oo pasado, pero sadyang mababa sa inexpect ko. kahit pinagmamalaki ni mam na 92 ang pinakamataas namen at line of five ang pinakamababa, habang sa INTARMED na tinuturuan niya e 94 ang highest at line of four ang lowest, hnd pa rin ako natinag saking disposisyon. hindi man lang ako umabot sa 70... kainis. kainis talaga.

hayaan mo na yun.

sa ngayon, abala nman ako kakamemorize ng morphology ng palaka. hanggang muscles pa lang ako. isama mo pa ang OIA. origin. insertion. at isa pa. ang dami. minsan tuloy hindi ko alam kung bakit ang dami daming kelangang ipasok sa utak ng biologist, biro mo ngayon pa lang, nakaka 3 majors na kame. weh. sabi nga ng mga kakilala ko sa higher years, pinakamatalino daw sa buong UP ang biology majors. naisip ko na tama sila. sa sinasaksak ba namang mga subjects samen. at biruin mo yun, lahat ng mga course, kelangan dumaan sa kurso namen at magnakaw ng kukuning bio subject. gen. zoo, microbio, marine bio, botany. kahit mapanursing ka pa, o pharm, at INTARMED nga, papasok at papasok sa AS para kumuha ng units sa men. ganyan kame kabait para ishare ang katalinuhan. hindi pala, sila lang pala.

minsan mas masaya siguro kung 3 days a week lang ang pasok. ang dame dame kasing nagrereact na metabolic activity sa katawan ko. minsan kahit ako hnd ko na masabayan. at minsan pa, mas gusto kong wag ng bumangon.

...gising na.

NOTICE

sa mga manunuod ng ST ANGE, magdalawang isip kayo.
hindi siya maganda.
may importanteng story plot ang pinutol.
malulugi ka.


geh.

`postedat
8:15 PM.


|
Tuesday, January 10, 2006

THE FLOW AND FLAW
Bokalista sa ikaSais

naghihintay. nagtataka. sa isip ko, naroon ang bawat daloy ng dugo na nagsasabing pagnilayan ko saglit ang aking sarili. itigil na ang kaunting katangahan at mas pahalagahan ang mga kasryosohan ng buhay. saglit lang. teka po. mukhang wala na namang patutunguhan. pero ang alam ko lang talaga, sa bawat analohiyang aking subukang gawin, gaano ko man palalimin ng husto ang mga gusto ko, imposible. sadyang imposible.

Kakatapos pa lamang ng mga bagay. Ngayon, mas nalaman ko na pwede din akong huwag maadik sa DOTA pag natalo ako ng sampung bes at walang panalo. sadyang pumili ng isang karakter na mahina at pinanlaban sa isang ultimate hero. presto. natalo ako. 0-10. at masaya. hindi dahil sa iyo'y drive para wag na magdota, kundi dahil ito'y isang malaking choice para sa konting pagbabago. "nakakagulat ka naman ralph, hindi ko akalain..."

Kahapon, bumalik ako sa gym. 7th floor. balak ko sanang magbasa ng atlas. palaka. wala pakong alam. kaya dapat simulan na. pero napalingon nga ako sa gym. nakakamis. kaya pumasok na ko. tutal naman andon na. sa bawat buhat ko ng weights, sa bawat tulo ng pawis, nandon muli ang driv, andon muli ang push... to move on. at pasenxa nga pala, may machine ATA akong nasira. hindi ko na lang sasabihin. hahaha.

layf. minsan masaya. minsan hindi. minsan malalim, at kadalasan, mas masayang umahon pataas. pro anu't anupaman, masaya pa rin pag kinakanta. at bilang isang bokalista... bokalista soon... masasabi ko lang, na ikaw, ako tayo, sintunado man o hindi, asa isang daloy, asa isang daan, asa isang drive...

teka, tama na ang salita, hahabol pako...

`postedat
11:51 PM.


read.
speak.
exits.
about.