|
Friday, March 24, 2006

LOGISTICS.
daBOKALIST.

kanina ang unang meeting ng execom. hindi ko alam. kahit pilit na pinapaabsorb sakin ang dapat kong gawin, oo lang ako ng oo. ngayon ko nga lang naisip na ang danmi pala ng gagawin ko kumpara sa ibang officer. pero ayos lang. siguro. malamang. tinanggap ko ang nominasyon at ang results ng botohan ngayon pa ko babawi??? ulol ba ako.

well. masyado na kasing nagiging busy ang mga tao. kahit ako. wala ng oras sa mga bagay bagay. sa next sem, baka 30 minutes per day na lang ang break ko. panu na ako? tinatakot na ako ng higher years na wag ako magulat sa mangyayare sakin sa 3 pang taon sa bio.

tama sila, tatlo pang taon.

... buti pa kapatid ko gagradweyt na. tapos ayun na. e ako, andito pa. sa up pa. naku.

may naiisip nakong regalo sa aking predecessor. siguro matutuwa sya pero bahala na. dapat matuwa siya kasi mahirap gawin un. kaya mahal pa. wew

dito muna.

off

`postedat
1:39 AM.


|
Tuesday, March 14, 2006

DASHBOARD_
ang una kong INC... argh!

mabilis ang post. nakakabanas. nakakasar. ayoko na sana ilagay. hindi sa nahihiya ako. pero ayoko malaman mo ang nararamdaman ko na may INC ako. incomplete. unfinished business.

alam ko na 10 laps ang kailangan matapos. pero hindi ako nakondisyon. marami sa amin. pro sila, walo lang. kami sampu. tatlo kaming lalaki. tatlong magsasampu. yung isa, hindi na nakaisang lap. sumuko. yung isa, swimmer talaga, nakaraos. kaya pinilit ko. sinubukan kong matapos. SINUBUKAN KO TALAGA. mabilis nilang natapos, yung mga babae. mabilis din ung kabila kasi silakahit lalaki, walong lap. pwede pa humawak sa gutter. kami hindi. diretso. kaya ko naman sana e. napagod lang talaga ako.

pito sa sampung laps ang natapos ko. hindi ako masyadong binigo ng freestyle ko. sa pitong yun, anim ang ginawa ko. handa na sana si backstroke... pero hindi ko siya gamay. kaya ayun, napala ko.

ang una kong INC.

sabi pa ng prof ko, kaya mo naman e. breathing at relax ka lang. kaya ko naman. pero hindi niya nakitang TATLONG LAPS NA LANG AT PINATIGIL NIYA AKO. naasar ako kasi sa summer uulitin ko ung sampu. nakakaasar na lahat ng pitong yun parang practice lang. sana pala hindi ko na tinapos nung 2 laps pa lang ako. pero tong pito. ung pangwalo at pangsyam at pangsampu nakuha ko sana. pero gaya nila, ung pito, kasabay nung tatlo mawawala.

relax. bumawi ka na lang.

God gave me the strength to accept those things I COULD NOT CHANGE.

whew. nasobrahan ata ako.

may bukas pa. hindi dahilan ang PE na to para masira ang plano ko.

;p live.

`postedat
10:10 PM.

|

FIRST ANNIVERSARY.
daBOKALIST.

isang taon na ang natapos sa aking pagsusulat sa walang kwentang pahinang ito. isang taon na siya mula ng una kong palitan ang dati kong mundo. naalala ko noon, sinabi ko sa sarili ko na sa pagbabago ng mundo ko, nararapat lang na pati ang tambayan ko sa net e mabago. isang mini- site ang naisip ko, at ang pangarap ko ang siyang naging tema niya. isang taon din yon.

recently masyadong naging busy ang mundo ko. kung hindi sa mga palaka ang sentro nito, malamang sa mga walang pangalang halaman na kailangan naming binyagan. oo, mga ferstaymer sa bio at ngayo'y magbibinyag ng pangalan. kung mali kami, bahala na Siya sa taas. make or break. parang ang blog na ito. hindi mo alam na sa niliit niya, napapansin kaya? o sa niliit niya, may magbabasa pa kaya? parang ako...

magulo ako. alam ko yan. kaya hindi ko na pinagtataka ang death threat na natanggap ko. noong una akala ko parang wala lang yan. pinaglalaruan ko lang ang ideyang binulong sakin kahapon. oo. pinagtawanan ko pa. ANO KAYA YUN? pero matapos din nun, napagtanto kong nakakatakot din. natameme ako bigla. natahimik. paano kung? fratman pa naman. kaibigan ko pa.

dahil lang sa isang babae. ngayon tuloy, kailangan ko pang iwasan yung babae. inaamin ko na malapit kame. pero wala akong balak makipagsabayan sa kaibigan kong yun. dapat alam niya yun. at ipaalam ko man sa kanya, magsisink in naman kaya? maraming magagawa ang pagibig hindi ba? at isa ito sa mga masasama. hindi ko na alam kung pano pakikitunguhan silang dalawa. may halong kaba na kasi, at malamang sa hindi, ayoko rin namang mawala na lang ng bigla. wala pa ko sa katinuang magsagawa ng last will ang testament.

ralph, mag- iingat ka ha.

walang hiya. wala nakong balak isipin pa siya. wala. pero basta. tama na nga yun.

... isang taon na ang blog ko. dapat masaya ako... (:c) pero tuwing naiisp ko ang mga bagay bagay gaya ng pagshishift, pagiging EXECOM ng org ko, pagiging blockhead (magshishift nga eh...), pagiging mata ng lahat, at ang death threat... hindi ko alam kung dapat bang... magcelebrate. parang pagbalik ng wowowee, hindi mo alam na may mga dapat respetuhing patay, pero sa nakakarami, at sa mga hindi nakakapansin, tuloy ang buhay, ang saya, ang kwento.

... sa ikalawang taon ng blog ko, sigurado, masaya ako. pero ngayon, hayaan nio muna akong maging malungkot. kahit ngayon lang.

RALPH.

`postedat
1:10 AM.


read.
speak.
exits.
about.