|
Sunday, August 20, 2006
ITALICS.bokalista.
bumabagyo.
masarap magisip habang kinakalaban ang lakas niya. hindi naman masarap magdrama gaya ng sinasabi sa sine o sa tv. masarap lang magisip. dahil sa panahong gaya nito, alam mong malamig ang paligid, at nakakakuha ng tamang hangin ang utak natin. kaya masarap. umaayon ang lahat sa gusto mong isipin.
at tapos non. ded blank.
brownout. wala ng maitayp.
kani- kanina lang, trip mong kausapin siya. naisipan mo lang. bakit naman hindi? matagal ka ding naligaw at sinentro ang utak mo sa pusang pinaliguan ng formalin, sa mga butong hindi mo alam kung masisira ng zonrox. pero kanina yon. may dahilan kung bat ka tumigil sa trip mong kausapin siya.
walang patutunguhan.
blangko.
walang kwenta.
wala kang makuha.
hindi matino.
ang labo.
ang arte.
ang drama.
ayoko sa mga madadramang tao. lalo na kung hindi naman bagay sa kanila ang magdrama. sa dinami dami ng ginawa ng dyos na pwede wag pagdramahan, nagagawa pa rin ng ilan na magdrama. pero sabi ko nga, sa dinami dami ng ginawa ng dyos, bakit siya pa?
hindi ko gusto magdrama.
gusto ko magisip kung bakit siya.
alam ko na noon pa man, malupit na yan. malayo siya sayo. sa totoo lang. hindi man siya mahirap abutin, alam mo na minsan, hindi mo talaga dapat siya abutin. hindi mo pwede pagsamahin ang isang dobol A battery kasama ang isang triple A battery para mapagana ang remote control. At hindi mo na kailangan buksan pa ang tv para mkita ang buong litrato.
hati.
malabo.
magulo.
tahimik.
at kung paano mo nagawang pagsamahin ang tahimik at magulo. hindi ko na alam. pero totoo. at siya na hindi mo na siguro maiintindihan kahit kailan, siya na hindi mo na dapat inaabot pa, siya na binubuhusan mo ng atensyon kesa sa pusa mong puno ng formalin, siya na hindi dapat ginugugulan ng kadramahan.
naisip ko,
naisip ko lang naman...
yung posibilidad
na gumana ang triple A at dobol A
na makita ko sa tv ang dapat kong makita
na mabasa ko ang pangalan ko sa mata niya
na makita kong, kahit pano
pwede pala mangyari
...na pwede din ako magdrama minsan. na pwede ako sumilip sa ilalim at sa ibabaw. na walang mali sa pangungumusta. na walang mali sa pagtataka kung posible ang imposible.
ikaw + ako = ano.
-blak out-
(at hindi ko na nakuha ang inaantay kong reply)
`postedat
7:26 AM.