|
Thursday, August 31, 2006

ON SERVER.
bokalista.

napamura na naman ako.

ang lutong.

hindi maiwasan.

kase... wala ka?

hinde. kasi andito ako.

naiinis ako. naiinis ako sayo, sa aken at higit sa lahat dahil wala akonbg magawa, kundi ang maines. napakapanes na ng mga sinasabe ko. at di ko alam kung umaabot ang laway ko sa dapat pagtapunan o kung dadapuan lang siya ng langaw sa hule. nan sens.

ako naman kase, lagi na lang gento. minsan naisip ko, nagsasawa din naman si bags bani na magsabi ng 'wats up duck' di ba? at kahit pa paikut ikutin mo man ang buong solar system naten, darating ang araw na ang mga cellulose na kinakain ng baka ay mawawala, kung ang 4 chamber stomach nila ay mawala, hindi ko na alam.

dahel ikaw. ikaw na sinisigaw ng bulok kong sistema, ikaw na dinadalangin ng nangangatog kong katawan, ikaw na dinadalangin ng walang kwenta kong bibeg... ay wala.

isa pa nga. ay wala.

minsan, gusto ko naman ng update, parang live feed. kahit walang audience share ayos lang. kahit pang terd pleys lang na dramahan. kahit hindi mapansin ng iba. basta ba may mowment ayos na. basta may mowment ayos na.

narinig mo ba?

BASTA MAY MOMENT, AYOS NA!

kaso wala talaga. ayun si ikaw. eto si ako.

blangko mode. signal number 5.5.

iniisip ko, gayahin ko ba si bags bani mapapansin mo? maging apat ang tyan ko, kakayanin mo? isa lang naman hinihingi ko e... moment... atensyon... napansin mo ba? isa lang hinihingi ko. isa lang... moment... atensyon... isa lang...

... IKAW.


hay.

`postedat
7:26 AM.


read.
speak.
exits.
about.