|
Monday, September 25, 2006

F.U.
bokalista.

naisip ko lang kung nagkamali lang ba talaga ang dyos na imbentohen ang daga.
pati yun pinrblema ko diba?
una, maurumi sila
walang mga modo.
pag pinatay mo ang kapatid/kalahi niya
gagantihan ka.
sisirain ang mga gamit mo.
ngatngatin ang mga kable
at piliting maghanap ng keso.
keso. kahit wala.
magaling sila tumalon kaya walang kaso sa kanila
walang epek ang baygon
at tapakan mo man, wala ing ganu mangyayare.
buntot lang tatamaan mo.
at pag namatay. sobrang baho.
talo ang formalin, at ikaw na 3 bes di naligo.
nakakabadtrip sila.
sila na walang ibang ginawa kundi tumakbo ng tumakbo
takasan ang katotohanang sila ay daga.
maghanap ng pagkain patago.
at panatilihing balanse ang food chain.
silang mga daga.
takbo ng takbo.
tago ng tago.
kagat ng kagat.
maya maya. sa kawalan.
nakita kitang parang dagang sobang kinaiinisan ko.
dahil wala kang ibang ginawa kundi manggulo.
at mamansin saken. kahit hindi dapat.
mga walang magawa sa buhay.
salot sa lipunan.
keso ba ang hanap mo saken?
o ang malusutan ang patibong na pinauso ko.
balang araw malulunod ka den.
balang aaw, mararanasan mo mawalan.
mapunta sa kawalan.
at paikutikutin mo man ang buntot mo.
wala kang magagawa.
sa pagkakataong yun ako panalo.
talo ka, bubwit ka.

(nilason ang sky flakes)

TERRORIST WINS!

`postedat
8:23 AM.


read.
speak.
exits.
about.