|
Monday, September 18, 2006

HENYO.
bokalista.

67th entry.
matagal tagal na ding nabubuhay ang blog na to. matagal niya ng tinitiis ang mga sandamakmak na kadramahang nais kong ipahatid sa kanyang sobrang liit na mundo. maraming nabighani sa kanya dahil sa sobrang liit, napapalabas niya pa na maraming pwedeng lumabas. yan ang nagpapaiba sa blog na to. henyo nga di ba. kakaiba.

miniblog ang tawag sa kanya. iilan lang ang nagtyagang piliin sya dahil sa liit, nakulangan sa pansin. pero tagumpay na maituturing. tagumpay dahil nagawa niyang maging iba at maliit.

kung mananatiling ganito ang mundo, at kung mananatiling indifferent ang tao sa iba't ibang kadramahan nito , walang mangyayari sa bawat isang tao kundi manatiling maliit, at naghahanap ng atensyon. mahirap patunayang nagawa mong talunan ang pagiging indifferent mo pero nanatiling maliit. mahirap ipagmalaki na nagtagumpay ka sa harap ng mga nilalang na bagsak. mahirap harapin ang pagbagsak sa rurok ng tagumpay.

.. maliit ka. oo.

pero di gaya ng iba,
iba ka,

`postedat
6:38 AM.


read.
speak.
exits.
about.