|
Tuesday, September 19, 2006

HTML.
bokalista.

habang ang milyong tao ay naguguluhan sa yo.
sa kakaibang tono ng pananalita mo.
sa kung panu mo sabihin ang ginagawa mo.
sa kung panu mo pinapaganda ang mundo ng milyong tao.

kakaiba ka dahil hindi ka makuha.
hindi masukat ang mismong salita.
ang slash. ang period. at ang isang comma.
mismong ako'y tumunganga lang ang magawa.

talo mo pa minsan ang tono ng kanta.
pero sa huli, ikaw ang sadyang seryoso.
sa bawat linya'y naiintindihan ko.
ang drama mo. ang kulay mo.

sa isang pindot ko, makukuha ko bigla.
ang nais kong itsura, ng aking obra.
pero sa wari ko, ikaw mismo, syang kelangan ko.
kung wala ka, panu na?
kung wala ka, anu na?

`postedat
5:52 AM.


read.
speak.
exits.
about.