|
Saturday, October 14, 2006
PRECAVA.
bokalista.
BIOTALK101. kakaexam ko pa lang kanina. nakakahilo. bukod sa amoy na amoy mo ang langyang 'aroma' ng formalin, hilong hilo ka pa kakahanap lamang ng IDENTIFY A,B, C, D. Dadalihan ka ng A and B drains What? at C and D connects to what? Eto na siguro ang isang dep na masyadong nagpahilo ng utak kong wala ng laman. parang blender lang ang utak ko kanina, na nagpaikot lamang ng 2 atm ng hangin.
Veins. Arteries. Daloy ng dugo. Sa kasawiang palad, kailangan malaman ito ng mga nilalang na nagaaral ng bio. Mga bio students and others. Kung tanga ka pa, hindi mo alam malamang ano pinagkaiba ng vein sa artery bukod sa spelling. tandaan DRAIN- VEIN. At ano nga ule ang dark colored?
Sa mga hindi nakakarelate. malas mo. naglalabas lang ako ng sama ng loob. Malas mo dahil naligaw ka sa page na tila kailangan mo pa maghanap ng translator. Kung hindi lang ako ganon kabaet, baka nagsama pa ako ng iba't ibang hormones na ipapalamon ko sayo. Baka kasi nagkukulang ka na sa you know. nyahaha!
at dahil sa artery at sa vein, hindi ko alam saan na ako dadalhin ng kanina pa ikot ng ikot na blender na yan. para tuloy akong seed ngayon na dapat e isang sobrang tinong Colleus blumei (hahaha, matanong nga bat may GARDEN SA may DB labs ngayon? Bat sila nagtambak don... hmmm). Pero sige na nga, aalisin ko na ang depressiong namumutawi sa akin, positive side ng dep..
NADISCOVER KO NG LUBUS LUBUSAN ANG (tenen...) HEART. seryoso, ngayon parang master na master ko siya kahit kunwaring alipin niya ako. pero iba na ang sitwasyon, playmates na kami niyan akalain mo. pinagsabihan niya kasi ako kagabi na siya na lang daw ang alagaan ko (tenen, darama mode, BAWENGWENG) kaya naman sinunod ko. Ayun, nakatulugan ko ang pusang nakatiwangwang lang sa tabe ng kama ko. Buti na lang hindi nangamoy ang kwarto. Buti na lang talaga. AT sa dep nga kanina, ayun, puso ng baboy, puso ng pusa, at sandamakmak na pathways of blood mula puso papuntang kung sansan. Sabi nga ni Heart kagabi, playmates na kame, kaya ayun, nakasagot, kahet mali yung iba.
Iniisip ko na paano na ang med. ang med. pag tao na siya, hindi na siya pusa. malamang. pero ang ibig ko lang sabihin, hindi lang basta basta pitong pahina ng atlas ang aaralin ko, at hindi basta basta trenta page ni hyman na font 6 lang ang babasahin ko. tao na nga siya. may artery, may vein, at kalebel ko na (PERO naisip ko, siguro yun na ang pinakafulfilling sa mga nagbabio kagaya ko... yun nga lang...)
palakang kabkab.
kumakalabukab.
kakakakalabukab pa lang.
kumakalabukab na naman.
naisip mo bang tongue twister yan? at binabasa mo ba siya ule ngayon para mapatunayan ngang tongue twister xa? naniniwala ka ba? sige... tama yan.
anterior pancreaticoduodenal artery.
(wala lang. ang haba niya kasi)
`postedat
9:49 AM.
|
Friday, October 13, 2006
100 000.
bokalista.
isa na namang katangahan ang naisip kong isulat. bakit sa dinami dami ng populasyon sa pilipinas, ay sobrang kakaunti ang nakakagamit ng internet? bakit kaunti lang ang alam kong may blog? sa bawat kablock, ilan ang nagbablog? sa mga orgs ko ilan ang may site? at ilan ang araw araw lang kailangan mag-alva? naisip ko na bago muna ipagkalandakan (tama ba ung word) ng malakanyang na tayo ay 2nd class country, naisip ba nilang tignan kung umunlad na ba talaga tayo?
mula pa ako nung grade 5 nagkacomputer ata. oo, aaminin ko nagsimula lang din ako sa typewriter na maya maya naging electric pa.. parang yung keybord nya parang gentong computer na. dati kasi, nakakatakot magtype dun para magpasa ng project (o dahil wla lang magawa) kasi naman, baka sa pagtatayp mo e pumasok sa typewriter ang daliri mo. e tapos kelangan pa may force ang kada pindot dahil hindi tatama ang ribbon sa papel... nakakainis yun dati. Kaya naman tinawagan ko agad ang friend kong si Bill, ng pausuhin niya ang Microsoft. Oo, friends kami nun, kung may friendster na nung panahon na yun, baka nabigyan ko pa xa ng testi, yung tipong tatlong sunod sunod.
magyayabang lang. dahil may computer na nga kame, nung high school naman pumasok si internet. dahil sa bundok ang eskwelahan ko (ang nagiisang SCIENCE HIGH SCHOOL ata sa bulubundukin...), bihira ang may computer, internet samen. e wala silang binatbat sa bago kong computer non. ako ang tagagawa ng project, ng buletin bord, at kung anu ano pa. ah, may kasama rin pala akong nagyayabang non. pero wala na xa sa usapan ngayun.
at ngayon, san ang binagsakan ko?
sa computer center. nyahaha! hindi ko madala ang computer ko sa dorm. at naghihirap ako para maghanap ng laptop. primitibo ang buhay ko. hindi gaya ng dati. hindi ko na nga matext si Bill na magpadala dito sa pinas ng mga bago niyang set ng computer. haaay.
at mula dito nga, nabalitaan ko na umunlad DAW ang pilipinas. (sabay sabay! AKALAIN MO YUN). natawa naman ako sa blitang yan, bilang estudyante (nyaks!) nakasanayan ko na magbasa ng dyaryo sa LIB. WOOHOO! at don nga nakita kong buong pinagmalaki ng isang babaeng hindi kapanapanabik panuorin ang moment nya habang sinabi niyang hindi na tayo 3rd class. A mam, matanong nga, may second world country ba talaga? ayon sa businessman kong columnista na friend din kuno, walang ganung term. either 1st o 3rd lang... parang gold o bronze lang (tutal sila lang magkakulay). Ang sabi pa, ang mga nasa poverty line lang e yung mga ang kinikita e 45 pesos below kada araw, at ang mga sumusweldo ng 16 ooo a month e MAYAYAMAN NA. akalain mo yun... computin mo nga ang 16 000 over 30. (kuha calcu). e halos wala pa sa 50 pesos kada araw. anu yun? pamasahe mula maynila hanggang cavite? one ride? nako. e halos dalawang oras lang na internet yan. at wala pang kasamang pagpapaprint!
ibig sabihin ba nyan, sa 86 milyong pilipino sa buong mundo, lampas kalahati na pala ang mayayaman! sino ba ang gumawa ng ganitong demarkation line ng rich and pur. nakaw naman. maniniwala kaya ang mga tao sa palaisdaan na mayaman na sila? maniniwala kaya ang nasa labas lang ng alva na rich kid sila kahit nangangalog pa sila sa friends nila ng tres para makapagpaprint? e ang security kaya sa astral? maniniwalang kaya niyang gawing gaya ng lobby ng astral ang bahay nila sa probinsya to think na mayaman pala sila?
haaay. nakapagtataka tuloy na halos 100 000 lang ang registered user sa fhm.com. may pambili na nga sila ng fhm mag, may panginternet pa. pero ang konti lang nila (ah, namen pala, ahihi). at ang nagbablog nga, ilan lang? e diba marami nga tayong rich kids sa pinas? ang orgmates mo ba, natanong mo na kung may pangmeryenda mamya bago kayo magchat mamayang gabi?
sana hindi na lang pinamalita ang 'katotohanang' umuunlad daw tayo.
nakakatuwa man isiping ang piso ay umaalagwa,
at nakakabayd na tayo ng utang pambansa,
alam naman natin na lalo lang masakit mangarap na yayaman ang BAWAT pilipino.
hanggat ganito ang sistema ng bayan, walang mangyayari, lulubog lilitaw lulubog lilitaw lang ang mga pilipinong nagpapakaluibog sa katotohanan daw na mayayaman tayong mga pilipino. parang pinipiritong fishbol na huhugutin na lang bigla, at lalamunin...
... ng mga gaya kong friends na sina Bill.
(veins. arteries. pusa ng baboy)`postedat
1:32 AM.
|
LABING OTSO.
bokalista.
tapos na ang bertdey ko.
ang araw na kelangan ko magaral
para sa dalawang dep kinabukasan
ang araw na kulong ako sa kwarto kausap
ang pusa kong binulatlat ko kanina
ang veins, ang arteries, ang puso.
18 na ako.
magpapasalamat muna ako sa 87
na taong nagsipagbati sa akin
(woohoo tama bang bilangin)
nyahaha.
sabi nga legal na
(di ba sa 21 pa opisyal na legal)
sa mga taong importante sa buhay:
sa pamilya fresh from cavite.
sa mga nilalang sa bording house (na nashock kasi ako ang nagsurprise at di sila)
sa BIOMAS family (nyekeke)
sa bioBLOCK2... woohoo (nananatili kayung astig saken)
sa ORCOM friends.
sa BEHSCI peeps.
sa DENT na kahum ko.
sa NAYTROS din.
sa upper years ng bio.
at siyempre.
sa mga alaga ko
na hindi ko inaasahan talagang malalaman nila.
sa PHARM at
sa IP freshies...
nakakatuwa lang na kahit
nakakulong. masaya pa rin.
sarap.`postedat
1:07 AM.
|
Saturday, October 07, 2006
I KNOW BETTER (part III).
bokalista.
hayaan ninyong tapusin ko na ang
trilogy ng entry ko sa isang tulang
napulot ko lang sa aking klase kahapon.
salamat sayo pareng pablo neruda
tonight, i can write the saddest lines
write, for example, The night is shattered
and the blue stars shiver in the distance.
The night wind revolves around the sky and sings.
Tonight I can write the saddest lines
I loved her, and sometimes she loved me too.
Through nights like this one I held her in my arms.
I kissed her again and again under the endless sky.
She loved me, sometimes I loved her too.
How could one not have loved her great still eyes.
Tonight I can write the saddest lines.
To think that I have lost her. To feel that I have lost her.
To hear the immense night, still more immense without her.
And the verse falls to the soul like dew to the pasture.
What does it matter that my love could not keep her,
The night is shattered and she is not with me.
THIS IS ALL. In the distance, someone is singing. In the distance
My soul is not satisfied that it has lost her.
The same night, whitening the same trees.
We, of that time, are no longer the same.
I no longer love her, that's certain, but how I loved her.
My voice tried to find the wind to touch her hearing.
Another's. She will be another's. Like my kisses before.
Her voice. Her bright body. Her infinite eyes.
I no longer love her, that's certain, but maybe I love her.
Love is so short, forgetting is so long.
Because through nights like this one I held her in my arms
My sould is not satisfied that it has lost her.
Though this be the last pain that she makes me suffer
And these the last verses I write for her.
kailangan ko lang ipaalala sa sarili ko
kahit paulit ulitin ko, araw araw,
na madaming bagay ang imposible.
kasama ka na don.`postedat
6:17 AM.
|
Monday, October 02, 2006
MOTHERS KNOW BEST (PART II)
bokalista
(agen... never mind me after)
i min. can i stay after?
wud you allow?
after reading?
please do.
(E) : means a dirty mind.
(E): parang ang hirap nun. oi grabe, parang nararamdaman ko na ang piercing epek dun sa text mo.
(R): alam mo yung feeling na broken? ha? ganung ganun...
(E): xempre alam ko yun! hindi lang basta broken filing mo pa, namortar and pestle ang lahat ng piraso ng pagkatao mo. . hay ralph, peo mabubuo kpnman ule.
(R): Sinusubukan ko talaga na hindi na ule gaya ng date. mas mabuti na nga siguro un. Minsan naisip ko na magalet na lang ng todo para mapaltan ang nararamdaman ko sa kanya.
(E): o diba may improvement? E baket ka magagalet? Parang easy way out?
(R): wala lang.
(E): E bat ka naman magagalet kung wlang dahilan?TIngin ko mas ok yung proseso.. tingin ko lang ha.
(R) ... minsan gusto ko na talaga tumakbo.
(E): ung tipong hindi ka na makakabalik?
(R): ung tipong sa sobrang layo na ng natakbo ko, paglingon ko, wala na akong makitang dahilan para bumalik pa.
(E) : sana nga makalayo ka ng ganun. kung sa tingin mo un ung mabuti para sau, dapat maging masaya ka xe un ung dapat. xe pag dika masaya, mas doble ung impact saken.
(R): masaya ako. inay.
tumahimik ka muna.
naisip mo ba ang naisip ko?
sa kalaliman ng lahat...
... andun ang kagalakang... tumakbo.
sumigaw palabas at
sasabihin sa iyo ang lahat
tumakbo, palayo
at iingatan ang alaala mo.
at kung hindi na babalek
sana sa paggiseng ay
wala na ang nadaramang saket
at kung hindi na babalek
pilit sasabihen na hindi ako nagkamali.
ingat.`postedat
8:19 AM.
|
EXECOMrules.
bokalista.
tatlong biomas execom ang magbebertday...
(ehem)
October 1 - Ate Aina
October 6 - Ate Ross
October 11 - Ralph :p
diba ang saya?
toxic week next week. halos araw araw may exam.
geh.`postedat
6:54 AM.
|
Sunday, October 01, 2006
CTC.
bokalista.
(.) hey ssup?
(,) ok lang.
(.) ctc.
(,) ...?
(.) nasl?
ralph, 18. m. manila
asus. malayo pa. =)`postedat
4:06 AM.
|
MOTHERS KNOW BEST.
bokalista.
(FYI. ngayun lang uli ako gumamet ng title na more than 1/2 words. three siya)
seryosong usapan to. pero one way lang.
makikinig ka ba kung ipapahiram mo saken ang tenga mo?
game.
ONHUMANPHILOSOPOTASYO
. panu ka kakawala e hindi naman siya sa yo
. itinali mo kasi sarili mo sa kanya
. hay ralph! kawawa ka naman. kasi hinayaan mong kawawaion sarili mo.
. kasi kung gustyo ka ni ____ hindi niya hahayaang magpaligaw sa iba
. hindi mo pwedeng pilitin ang sarili mo na magbigay.
. (sa debut, may nagwish 18wishes) Wish ko lang sayo, I wish you all the best.
. (reply ng debutant) Sorry wala akong ibang masabe kunde salamat... kase... salamat!
nagpunta kame ng block sa debut ni mara. masaya. sobrang dame ng tao. 2 tables ang para sa men tapos andun mga mascians. nagwala sila. pero mas maingay talaga kame. nakakatuwa pagmasdan si mara. tapos yun yun na. candles. wishes. roses. ah roses pala ako. . .last dance.
(parang may spark sa kung saan)
STL, hindi ko nman alam na last dance ako. haha. e para kasing ewan yung host, tapos yun. pero natuwa ako kasi masaya din si mara. and, masaya din kasi ok lang sa mom niya (uy, plus points). nakakatuwa. parang unang debut na last dance ako tapos ganun ang feeling. ind ka nadadala sa mga kantyaw nila, kasi iba kapag ikaw yung huli tas ganun ka romantic yung kanta...
salamat. sa uulitin.
once you know you're strong at one point,
definitely you're weak in another.
ralph.
no rules.`postedat
3:10 AM.