|
Friday, October 13, 2006

100 000.
bokalista.

isa na namang katangahan ang naisip kong isulat. bakit sa dinami dami ng populasyon sa pilipinas, ay sobrang kakaunti ang nakakagamit ng internet? bakit kaunti lang ang alam kong may blog? sa bawat kablock, ilan ang nagbablog? sa mga orgs ko ilan ang may site? at ilan ang araw araw lang kailangan mag-alva? naisip ko na bago muna ipagkalandakan (tama ba ung word) ng malakanyang na tayo ay 2nd class country, naisip ba nilang tignan kung umunlad na ba talaga tayo?

mula pa ako nung grade 5 nagkacomputer ata. oo, aaminin ko nagsimula lang din ako sa typewriter na maya maya naging electric pa.. parang yung keybord nya parang gentong computer na. dati kasi, nakakatakot magtype dun para magpasa ng project (o dahil wla lang magawa) kasi naman, baka sa pagtatayp mo e pumasok sa typewriter ang daliri mo. e tapos kelangan pa may force ang kada pindot dahil hindi tatama ang ribbon sa papel... nakakainis yun dati. Kaya naman tinawagan ko agad ang friend kong si Bill, ng pausuhin niya ang Microsoft. Oo, friends kami nun, kung may friendster na nung panahon na yun, baka nabigyan ko pa xa ng testi, yung tipong tatlong sunod sunod.

magyayabang lang. dahil may computer na nga kame, nung high school naman pumasok si internet. dahil sa bundok ang eskwelahan ko (ang nagiisang SCIENCE HIGH SCHOOL ata sa bulubundukin...), bihira ang may computer, internet samen. e wala silang binatbat sa bago kong computer non. ako ang tagagawa ng project, ng buletin bord, at kung anu ano pa. ah, may kasama rin pala akong nagyayabang non. pero wala na xa sa usapan ngayun.

at ngayon, san ang binagsakan ko?

sa computer center. nyahaha! hindi ko madala ang computer ko sa dorm. at naghihirap ako para maghanap ng laptop. primitibo ang buhay ko. hindi gaya ng dati. hindi ko na nga matext si Bill na magpadala dito sa pinas ng mga bago niyang set ng computer. haaay.

at mula dito nga, nabalitaan ko na umunlad DAW ang pilipinas. (sabay sabay! AKALAIN MO YUN). natawa naman ako sa blitang yan, bilang estudyante (nyaks!) nakasanayan ko na magbasa ng dyaryo sa LIB. WOOHOO! at don nga nakita kong buong pinagmalaki ng isang babaeng hindi kapanapanabik panuorin ang moment nya habang sinabi niyang hindi na tayo 3rd class. A mam, matanong nga, may second world country ba talaga? ayon sa businessman kong columnista na friend din kuno, walang ganung term. either 1st o 3rd lang... parang gold o bronze lang (tutal sila lang magkakulay). Ang sabi pa, ang mga nasa poverty line lang e yung mga ang kinikita e 45 pesos below kada araw, at ang mga sumusweldo ng 16 ooo a month e MAYAYAMAN NA. akalain mo yun... computin mo nga ang 16 000 over 30. (kuha calcu). e halos wala pa sa 50 pesos kada araw. anu yun? pamasahe mula maynila hanggang cavite? one ride? nako. e halos dalawang oras lang na internet yan. at wala pang kasamang pagpapaprint!

ibig sabihin ba nyan, sa 86 milyong pilipino sa buong mundo, lampas kalahati na pala ang mayayaman! sino ba ang gumawa ng ganitong demarkation line ng rich and pur. nakaw naman. maniniwala kaya ang mga tao sa palaisdaan na mayaman na sila? maniniwala kaya ang nasa labas lang ng alva na rich kid sila kahit nangangalog pa sila sa friends nila ng tres para makapagpaprint? e ang security kaya sa astral? maniniwalang kaya niyang gawing gaya ng lobby ng astral ang bahay nila sa probinsya to think na mayaman pala sila?

haaay. nakapagtataka tuloy na halos 100 000 lang ang registered user sa fhm.com. may pambili na nga sila ng fhm mag, may panginternet pa. pero ang konti lang nila (ah, namen pala, ahihi). at ang nagbablog nga, ilan lang? e diba marami nga tayong rich kids sa pinas? ang orgmates mo ba, natanong mo na kung may pangmeryenda mamya bago kayo magchat mamayang gabi?

sana hindi na lang pinamalita ang 'katotohanang' umuunlad daw tayo.
nakakatuwa man isiping ang piso ay umaalagwa,
at nakakabayd na tayo ng utang pambansa,
alam naman natin na lalo lang masakit mangarap na yayaman ang BAWAT pilipino.
hanggat ganito ang sistema ng bayan, walang mangyayari, lulubog lilitaw lulubog lilitaw lang ang mga pilipinong nagpapakaluibog sa katotohanan daw na mayayaman tayong mga pilipino. parang pinipiritong fishbol na huhugutin na lang bigla, at lalamunin...

... ng mga gaya kong friends na sina Bill.

(veins. arteries. pusa ng baboy)

`postedat
1:32 AM.


read.
speak.
exits.
about.