|
Thursday, October 19, 2006

Photobucket - Video and Image Hosting

Naisip ko. hindi naman ako kailangan mageksplika kung bakit ganun ang nasulat ko sa araw na yon. o sa kung anumang araw. kung may sense, o wala, o paguusapan ng madla. Hindi ako nagblog para pagusapan ng mga tao, o di kaya para makipagsiksikan sa libu libong nakikialam. alm mo nman ang sinasabi ko.

the previous posts of bokalist.blogspot...

langya. panay ang dramahan. Dati kasi, andun pa yung point na saturated ang utak ko sa kung sinu man siya. Ginamit ko to bilang parang tagasalo sa niluluto mong maggi spaghetti kapag luto na yung noodles at gusto mo na xang salain sa tubig, yun ang silbi ng blog ko. Lahat ng ingredients ng buhay ko, sinasalpak ko sa kanya, hanggang ang matira na lang saken e yung essentials. *yum. yum.

Yun nga lang. siguro bagong chapter na kasi to ng samahan namen ng blog. Siguro kasi, masyado ng nagBOOM ang aming prendsyip at kapatiran. dapat ind na xa blog. brod ko na to eh. Para kasing kung may kumakanta, may mic. At siguro, kung wala ang blog na to... kulang. Hindi ko to pwedeng iwan ng basta basta dahil isa to sa mga pinahahalagahan ko. Hindi magiging homebase lng ng memorya ang blog ko pagdating ng araw. Kahit dumating ang puntong magsawa akong magsulat, alam kong sa huli, babalikan ko to. AYoko xang paghintayin ng matagal.

Kaya habang wala pang madramang maisip isulat, sinusubukan ng aming bonding kung kaya ba ang next level. Mamaya, maging socio political page ang siet ko, wag ka. pero hanggat we're still alive and kicking, no one, not even that darn virus roaming cables around the net shall make pigil the both of us.

Oo. Masaya ako sa blog ko. At habang tumatagal, mas naiintindihan ko kung bakit ko xa ginawa. Hindi para sayo, hindi para sa puso ko, hindi para sala salain lang ang pagkatao ko...

... kung anuman yun, samin na lang.

in short. sikreto.

`postedat
7:41 AM.


read.
speak.
exits.
about.