|
Wednesday, October 18, 2006

NETWORK.
bokalista.

pag sinabi ko to, alam mo na yun.

siguro kaya ko to nasusulat dahel namimis ko na xa, wala man lamang kwenta ang mundo ko sa kwarto ko sa dorm, kaya naghahanap lang ako ng paraan para marelease kung anumang nararamdaman ko. wala ang channel 2,5,7, at 23 sa buhay ko 5 times a week. minsan pa 7, dahel hindi ako nakakauwi. kaya pag may chance, sobrang saya talaga. one to sawa.

tama sila. nakakaadik ang tv. hindi pwedeng wala kang kilingang channel o palabas. hindi lang ako ang napapangitan sa atlantika, at hindi lang sila ang may gusto non. paniwalang paniwala pa rin ako na ang channel 2 ang pinakasikat na stasyon. (gyera talaga to). at naniniwala akong abot nila talaga ang halos lahat ng pilipino.

gyera number 1.

naiinis ako dahil parating ipinagkakalandakan ng gma na number 1 sila, sa halos tatlong taon. e ano? nung monopolyo pa yan ng dos, hindi sila GANUN KAYABANG, o ganun kashowy ng ratings, ek ek. naiinis ako don. na ipagkakalandakan mo na pakiramdam mo, ikaw na talaga ang hari at ang layo layo ng kalaban mo. e hindi naman. kung tutuusin, magkadikit na sila. (halos).

gyera number 2.

ang mga fans. grabe sila magaway. magparinigan. makialam sa show ng may show. alam naman natin na kumpetensya to ng corporasyon sa telebisyon, pero grabe madala ang mga tao. hindi ko lang din maintindihan, MASYADONG magreact ang mga tagaGMA tungkol sa mga sinasabi ng tagaABS, ewan ko.

(libel na kasunod nito... pak!)

gyera number 3.

mas naniniwala ako na kumpleto, detalyado, at mas reliable ang balita ng 2. kung mapapansin ninyo, kulang kulang sa 7. hindi alam kung anu ang dapat iheadline, nakakainis yung ganun, na magsisingit sila ng kakasagap lang na headline ng 2. higit pa dyan, mas maraming exclusives ngayon ang channel 2 kung mapapansin ninyo. ang 24 oras, saksi, halos pareho lang ng atake sa balita, parang deja vu. pero ang bandila, parating may bago compared sa tv patrol (siguro mas magandang pagpalitin sila ng time slot)

gyera number 4.

punuin daw ba ng fantaserye? parati pang pareho mga simula - ang magagaling na bata.

gyera number 5.

naiinis ako dahil naggagayahan pa sila ng HARAPAN. mapa2 man sa 7 o 7 sa 2. e parang ang manunuod, parati hanap bago. pero kung mapapansin ninyo, mas madaming offer na bagong show ang abs kesa sa kabila (boom!). pero kung production cost ang paguusapan, dehado ang 2, mas magnda na tlaga sa 7.

hmm. sige, awayin na din ang abc, ah. pakiayos ang sound system ng PHILIPPINE IDOL. hehehe. Maporma ang PBA ngayon kesa sa PBA dati sa ibang channel. Kung titignan mo, grabe talaga magcover ang abc doon. Kaso daig sila ng UAAP at NCAA. Hanep din kasi kung visual design ang paguusapan...

alam nio, maganda ang mga shows ng Studio23, (yung iba lang pala) gaya ng gameplan, Wazzup, pati mga foreign nilang Alias, 24, CSI, Survivor atbp. Pero ang pinakamaganda e ang ANIME MARATHON nila. nyahaha!

masyado akong maka2. hindi ko alam. siguro kasi, kahit mula kumikitang kabuhayan hanggang sa the 700 club asia pwedeng pwede kong panuorin ng dirediretso. nakakamis ang tv ko. ang kwarto ko. pati si mel tiangco. (for the sake of rhyme)

loyalty to network ends, when loyalty to life begins. (woohoo)

FAST FACTS:
(for me ang....)

BEST NEWS PROGRAM: Bandila
BEST SPORTS PROGRAM: Sports TV (23)
BEST DRAMA: (aaah) Pangako sayo?
BEST NOONTIME SHOW: EAT BULAGA (7)
BEST GAMESHOW: Deal or no deal
BEST ANIME: Flame of Recca (7)
BEST MORNING SHOW: Magandang Umaga
BEST TALK SHOW: Mel and Joey (7)
BEST REALITY SHOW: Big Brother
BEST MUSIC TV SHOW: Myx (23)
BEST COMEDY SHOW: Takeshi's Castle (11) haha! Nuts (7) tie sila...
BEST TECHNO SHOW: Convergence (25)
BEST CURRENT AFFAIRS: I-Witness (7), at Probe
BEST TV STATION: ABS-CBN

sakin lang naman yan.

`postedat
12:42 AM.


read.
speak.
exits.
about.