|
Saturday, October 14, 2006

PRECAVA.
bokalista.

BIOTALK101. kakaexam ko pa lang kanina. nakakahilo. bukod sa amoy na amoy mo ang langyang 'aroma' ng formalin, hilong hilo ka pa kakahanap lamang ng IDENTIFY A,B, C, D. Dadalihan ka ng A and B drains What? at C and D connects to what? Eto na siguro ang isang dep na masyadong nagpahilo ng utak kong wala ng laman. parang blender lang ang utak ko kanina, na nagpaikot lamang ng 2 atm ng hangin.
Veins. Arteries. Daloy ng dugo. Sa kasawiang palad, kailangan malaman ito ng mga nilalang na nagaaral ng bio. Mga bio students and others. Kung tanga ka pa, hindi mo alam malamang ano pinagkaiba ng vein sa artery bukod sa spelling. tandaan DRAIN- VEIN. At ano nga ule ang dark colored?
Sa mga hindi nakakarelate. malas mo. naglalabas lang ako ng sama ng loob. Malas mo dahil naligaw ka sa page na tila kailangan mo pa maghanap ng translator. Kung hindi lang ako ganon kabaet, baka nagsama pa ako ng iba't ibang hormones na ipapalamon ko sayo. Baka kasi nagkukulang ka na sa you know. nyahaha!
at dahil sa artery at sa vein, hindi ko alam saan na ako dadalhin ng kanina pa ikot ng ikot na blender na yan. para tuloy akong seed ngayon na dapat e isang sobrang tinong Colleus blumei (hahaha, matanong nga bat may GARDEN SA may DB labs ngayon? Bat sila nagtambak don... hmmm). Pero sige na nga, aalisin ko na ang depressiong namumutawi sa akin, positive side ng dep..
NADISCOVER KO NG LUBUS LUBUSAN ANG (tenen...) HEART. seryoso, ngayon parang master na master ko siya kahit kunwaring alipin niya ako. pero iba na ang sitwasyon, playmates na kami niyan akalain mo. pinagsabihan niya kasi ako kagabi na siya na lang daw ang alagaan ko (tenen, darama mode, BAWENGWENG) kaya naman sinunod ko. Ayun, nakatulugan ko ang pusang nakatiwangwang lang sa tabe ng kama ko. Buti na lang hindi nangamoy ang kwarto. Buti na lang talaga. AT sa dep nga kanina, ayun, puso ng baboy, puso ng pusa, at sandamakmak na pathways of blood mula puso papuntang kung sansan. Sabi nga ni Heart kagabi, playmates na kame, kaya ayun, nakasagot, kahet mali yung iba.
Iniisip ko na paano na ang med. ang med. pag tao na siya, hindi na siya pusa. malamang. pero ang ibig ko lang sabihin, hindi lang basta basta pitong pahina ng atlas ang aaralin ko, at hindi basta basta trenta page ni hyman na font 6 lang ang babasahin ko. tao na nga siya. may artery, may vein, at kalebel ko na (PERO naisip ko, siguro yun na ang pinakafulfilling sa mga nagbabio kagaya ko... yun nga lang...)
palakang kabkab.
kumakalabukab.
kakakakalabukab pa lang.
kumakalabukab na naman.
naisip mo bang tongue twister yan? at binabasa mo ba siya ule ngayon para mapatunayan ngang tongue twister xa? naniniwala ka ba? sige... tama yan.
anterior pancreaticoduodenal artery.
(wala lang. ang haba niya kasi)

`postedat
9:49 AM.


read.
speak.
exits.
about.