|
Tuesday, November 28, 2006

EPBISI.
bokalista.

Hello Ralph! Kumusta ka na tol? How's it goin'? Kumusta mga Pharm blocks? I hope mabuti naman kayong lahat. Sorry di ko masyado nachecheck mail ko dito sa frienster kaya di ko nababasa un mga messages dito. Kumusta mga FBCs? May mga bagong activities ba kayo for this semester? May bagong balita ba with you guys? Sige hanggang dito na muna pare, pakikumusta nalang ako sa mga alaga nating freshmen blocks at sa mga FBCs, salamat! Ingat ka diyan, God Bless.

Glenn


(epbisi. dalawang major event pa ang mangyayari. nakakatoxic tuloy. isang major concert. at isang sportsfest. Ngayun hindi lang makikilala ang Exclusive Freshie Program na ito sa HANDOG SA FRESHIE lang.. at batch namin ang nagsimula nito.:P)


Photobucket - Video and Image Hosting


(napatawa bigla *wakeke)

`postedat
3:30 AM.


|
Monday, November 27, 2006

CONTRAST.
bokalist.

ngayon, maaalala ko
na ang bawat gabi ay parang dati.
na ang bawat paggising
ay alaala ng nakaraang gabi.
malala. magulo. madilim.
at ang pagbangon mo ay isang pagtanggi.
sa mga maaaring mangyari.
at ang buong araw ay tatahakin.
ng walang pakundangang katahimikan.
hindi na dati. hindi na gaya ng dati.
ang labo ng mundo.
at ang dati mong kantang pilit na binubuo.
wala na.
ang inspirasyong hinahanap hanap mo
wala na.
sa pagsapit ng gabi. paglitaw ng buwang mahiwaga
bukas na umaga'y di mo na tanaw.
wala na.

tumakbo. palayo.
at iiwanan ang alaala mo.

`postedat
12:39 AM.


|
Sunday, November 26, 2006

MOTHER KNOWS BEST V
bokalista.

(maski ako, hindi ko naisip na aabot sa gentong stage)

hindi lang ikaw ang nagulat. hehe.

Hindi ko minsan maintindihan kung bakit pag nagsasalita ang nanay ko, grabe ako maapktuhan. Minsan tuloy, nakakatuwang isipin na alam niya pala yun, at ang tanga ko pala. MAdalas mangyai yun, at isasabay pa niya ang isang lagok ng coke at ang pakontes ng palakihan ng chickn fillet sa mcdo. talo ako sa kanya dun.

Matagal na rin akong pinagtyatygaan niyan. Magulo daw kasi akong tao. At kailangan sabayan niya ako para makarating ako sa tamang direksyon, kami sa tamang direksyon.

Nung isang bes, sinubukan niyang ikumpara ako kay IVAN. Tipong Ivan versus RALPH. Medyo katropa ko kasi si Ivan, at ang magaling sa taong to e napakaaming babae. Tsk. Pro nagkataon na ang gusto niya eh orcom na close saken. At yun nga.

Sabi ko sa kanya, mas magaling ako kay Ivan. Kasi siya ngayon, walang magawa pag andun na si ano. pero ako, maraming nagagawa.

Hulaan mo sinabi niya. sa harap ni ivan.

Marami ka ngang ginagawa, wala namang nangyayare.

yun. nablanko na naman ako.

a sabay kaming umuwi ni ivan na walang salitang nakalabas sa labi ko.

`postedat
4:18 AM.


|
Thursday, November 23, 2006

MOTHERS KNOW BEST IV.
bokalista.

(mukhang mahaba habang inuman to)

three entries in a row. at ito ang seryosong post ko. kung bakit siya ang huli kong isinulat, dahil kasi sa siya ang huli kong naisip isulat. siguro tyumempo lang sa oras na last 2 minutes na lang ng naisip ko siya. At dahil don , napilitan akong magextend. Naman.

matagal na nangyare ang usapang to. Pero ngayun ko lang to sasabihin. dahil. ngayun ko lang natripang isulat. behlat.

WARNING: may ilang text na bawal sabihin. * ang '...' ay indicator nito. wink!

-=-=-=-=-=--=-==---=-=--=
R: Inay!
E: Feeling ko ang empty ko,
R: Indi ka naman empty, meron ka pang ako.
E: Konti na lang Maniniwala nako.
R: Ganun? E parati mo kasing iniisip ung mga taong wala naman sayo. DI mo tuloy maramdaman ung mga taong mahalaga talaga seo.
E: Ganun? O anu bago?
R: Anu ba? Pakiramdam ko ... kagabe. Nagdinner nga pala klami ni majoy tapos di ko pa...
E: masaya ka naman sa ganun... at tipong...
R: Oo naman! (tama bang wag itanggi) adik. Gusto ko nga magaway... nakakauta kasi na parating... (kahit ind minsan)
E: Tama. walang thrill ang relasyon pag lageng masaya. (may relasyon nga ba)
R: Xempre, wala naman. dapat bang itanggi?
E: Sus. Make a move.
R: ... ? E ayw nya nga ata e. Ayaw PA pala.
E: E Di emyu 4 lyf na lang. Malabo. Hehe
R: Nd siguro0. Pakiramdam ko... biro. Kung walang mangyari bago mag... e di ... kna
E: Huh? You mean you're planning to...
R: plan b. ewan. ayokong tanging... lang ang guarantee nya lang para magantay ako ng matagal... icipin mo.. mag... pero malabo niya...
E: Wow. Nagulat ako dun ah. Kala ko tulad ka pa rin ng dati... na ok lang magantay forevermore. So dat means ok lang kahit hindi ko na tapyasan ang buwan?
R: Oo. Indi ko nga makita ang buwan ngayun e.
E: Tunga! New moon xe! wOW. pARANG ang laki na nagbago sau pagdating jan sa bagay na yan.
R: O tlga? Para ba akong pokemong basta na lang nagevolve? Adik.
E: Wel base sa ating paguusap, ganyan ang aking pakiramdam. Hay. Hindi nga lang siguro ako sigurado kung anu ang nagtrigger sa pagbabago mong ayan... anu nga ba?
R: siguro... ... ... hehe
E: Hay. well. ol u can do is w9 kung kaya niya nga. waiting in vain ang drama mi. Peo at lis may dedline na.
R: Tama naman ginawa ko di ba?
E: Panung tama? pakiexplain. lam m nmn, hrap umintindi
R: Na tama ung alam mo ngayung may direksyon, panahon n kng lalampas, alam mo na ung next step. nd ung magdaadrama at magkakayakagan na naman tayu sa mcdo
E: cguro nga tama. bsta ang mahalaga, ayuko ng ngsusuffer ka. at ok lng nman kahet ilang beses m akong yakagin s mcdo.
R: wushu. sb n mis mnko at yung mas malaki mong chicken fillet
E: sus ikaw din nmn mis mo na ko at ang mas maliit mong chicken fillet
R: Adik. Love can only survive when d hope exists that you will be able to win over the person u desire... anything else is fantasy. Nayt.
E: I'll remember that... nayt.

16/11/2006
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=--==-

malapit na palang magdecember...

`postedat
1:03 AM.

|

BETA.
bokalista.

kanina sa wakas e sinipot na kami ng phy51 prof namen. Akala ko, magstr8 2 weeks siyang wala. Ayoko nun. Kunwari GC ako. Malas ko lang kasi sabi nila, hindi agnun kagaling yung prof. Sabi yun nila, ng mga nakausap kong higher years.

nagpagawa uli ng poster ang masig. this time si RON ng dent ang lumapet sa kin. Bout sa Christmas program ng Masig ang pinapagawa sakin. Ngayun kung bat ko to nasulat, wala lang. Hehe.

Nagpasa nako kay Master Huckie ng layout na pwedeng gamitin namin sa Sanggunian, ung newsletter ng Sagisag. At bukas, may meeting ako sa editor in chief nila, at dahil si Huck ang pangulo ng org na yun, siya ang magsasalita. hmm.

try ko tapusin ang season 1 ng greys ngayung byernes ng hapon. try ko lang.

bukod sa pinapagawa ni ron, gagawin ko din ung pinapagawa ni baby lian. hmm. nu kaya yun. probably CYA stuff uli.. at siguro notice uli about upcoming biomas interview at induction.

i'll post our BIKING sa CCP sa multiply ko maybe this weekend (http://xciovolk.multiply.com).

Wala lang. nagkukuwento lang sayo, direst blog. of ol blogs.


FINISHING READING: Stardust.
FINISHED THIS WEEK: The Alchemist, Wishlist, River Piedra...

`postedat
12:41 AM.

|

Photobucket - Video and Image Hosting

KULElat.
bokalista.

nakablack pala ako kanina.

nagwelga ang mga tagaUP. Kasalukuyan kameng nagsasagot ng BioStat namen kaya hindi kame nakisale (kahit alam kong hindi din talaga kami makikisali). Sabi ng prof namin (kamukha niya yung prof na crush ko, wakeke!), pagnatapos na kami, pwede na naming ipasa sabay wok out at sumama sa rali. yun nga lang, sobrang haba ng pinasagot niya. (copy mode pa kame nun ah). kaya ang nangyare, 2 oras at kalahati kami nagsagot... walang pahinga.

kakasagap lang.

nagkamali ang MANILA COLLEGIAN. halos lahat ng data na nakuha nila ukol sa balitang BOR approves Bio Lab Increase ay mali. Halos dumoble ang proposed lab fees. Ang 1400 ay 800 lang pala. At marami pang ibang kamalian. Ngayon, masasabi ko na FAIR lang ang DB. Dahil hindi ganun kalaki ang increase. Ngayon kung bakit bigla bigla na lang ang pagbabago ng ihip ng hangin, heto ang masasabi ko...

... dahil tanging sa DB lamang kumukuha ng mga BASIC SCIENCE course sa buong UP Manila. Dito 'nakikisit in' ang mga di bio majors pero kumukuha ng ilang Natural Science subjects, ng General Botany, Zoology Courses, at ng Comparative Anatomy, Physiology at iba pa, bago ioffer ng kani kanilang colleges ang mas advanced na courses. At kung mapapansin ninyo, ang DB at ang labs nito na asa 4th floor lang ng GAB at 3rd floor ng RH ay nangungulang sa facility. Kung bakit? Dahil sobrang outdated na nito. Ng buong DB mula pa 1973! Kung mapapansin, ang DB at ilang departments lang ang nagkaron ng facelift... ang laboratories? ang mga kagamitan? hindi pa.

... nung magpalabas ang DB ng isang survey form sa mga gaya naming di maaapektuhan ng TFI LAST YEAR, nagsabi ang former Chair ng DB (si Co), na talagang makakatulong ang TFI dahil walang maaasahan sa mga dapat inaasahan.

... sa Biochem Class namin, sinabi ng prof na TALAGANG kailangan ng TFI. Hindi dapat tahasang tinututulan ito. Dahil STUDENTS SHOULD DO THEIR PART. Anu nga naman ang matatalinong utak ng mga tagaUP kung kulang kulang ang mga kagamitan? at panahon pa ng alumni ang mga ginagamit ngayon? Hindi kataka takang maunahan ang UP sa mga susunod na dekada. At kung walang kikilos, sino? Kung magaantay mula sa mga pesteng pulitikong yan, anong makukuha mo.

... minsan nga, gaya ng Kule, napapaeksajereyt niya ang mga tropapips ng kayupihan. kitang kita jan ang mga inoorient ng mga tibakers, ang mga estudyante sa kantina, at ang mga prof na naghahanap ng pagbabago. ang mga estudyante, na naghahanap ng malaking kikbak.

Tayo ang KULElat.

Isa pa..

.. tayo.

`postedat
12:10 AM.


|
Monday, November 20, 2006

Photobucket - Video and Image Hosting

YU-PI.
bokalista.

nahaharap na sa gyera ng buong kapeyupsan. at nakakainis ang mga pangyayari. biruin mo, ang DEPARTMENT OF BIOLOGY ng UP Manila ang sentro ng debatihan ngayon? Hindi pala siya ang sentro, siya ang ginawang Aysing ng sentro ng usapan.

Magkakaroon ng laganap na tuition fee increase. At kawawa lamang ang mga paparating na 'freshi' na kinakailangan maki ride on. Rok on sa inyo. Kayo na magdadala ng pahirap ng lipunang mismong pamahalaan dapat ang nagbubuhat. Kawawang mga freshie at mga magulang nila. Kawawa dahil sa malaking babayaran nila, at isa pang kawawa dahil ang UP ay kagaya na lamang ng ibang pa-pribadong eskwelahan. well. almost.

Ang Lab Fee ng Bio21, kamusta? mula 200 patungong 1400. Ang Bio 111, 200 tungo sa 1500. at ang pinaka pinaka nateng offer, bio 120, mula 300 to 3800 na. Deal or No Deal?

Wala akong ibang masabi kundi 'masyadong biglaan ang pagbagsak ng ganyang sistema, baka hindi mamalayan ng admin ng UP, mas mabilis pa silang bumagsak.' Alam ko na marami, o halos kalahati ng Kayupihan e Hindi papayag dito, habang ang ilan pa ay hindi makikialam, at may iba naman na ayos lang. Ayos, dahil mula pa nuong panahon ng lolo ng lolo ko sa UP, hindi na nabago ang sistema, ang tuition, at ang mga facitility. Pinagmamalaki natin na Numero Uno tayo sa utak, pero mas malilinang 'nga naman' kung equipped tayo. well. Subalit MAS marami ang tutol dito, lalo na ang mga bio ngayon, na bagamat hindi apektado ng increase, hindi naman maiiwasan na pagusapan iyon. Kung gaano kadesperadong makakuha ng pondo, kung bakit ganun kabilis ang transisyon. Nakakainis ang biglaan. At nakakaawa sila.

At ang mga walang pakialam, na naman? na walang ibang inatupag kundi ang wag ng makialam. Ayun. Nagdodota sa kanto.

Sa huwebes, black shirt day. at sa byernes, red shirt day. Hindi ko sinasabing magsuot kayo. at hindi ko sinasabi na magsusuot ako. Pinapaalam ko lang.

... Hinding hindi magpapahuli
Ganyan kaming, mga Taga UP!

`postedat
11:31 PM.

|

TRAILERS.
bokalista.

maghanda na sa third installment na ala grand finale ng pacquiao-morales III!

sa susunod na taon, sabay sabay maglalabasan ang SPIDERMAN3, SHREK3, at PIRATES3! Darating din ang Ocean's 13.higit pa riyan ay ang HARRY POTTER 5. Napanuod ko na ang bitin na trailer ng huli, at sobrang bitin talaga. (hehe). Posibleng mapanuod ang trailer ng HP5 bago magshowing ang HAPPY FEET. Hindi uli sisipot si Doby sa HP5 pero may bagong house elf na aabangan. daw.

Ang susunod sa listahan ko:
HOUSE season3
at GREY's ANATOMY season 3.

ngayon, kailangan ko muni intindihin ang proteins kong asaynment.

`postedat
10:58 PM.

|

Photobucket - Video and Image Hosting

GROWING.
bokalista.

i tried.

they say i grow.

i know i don't.

when growing means i can stand alone
i feel my feet trembling left and right
when growing means fighting and defending
i know my guts reach below ground.

when growing means no for yourself
i seek my identity t be just me
Hell knows i don't grow
but deep inside i know.

i may not be superman. who fights at will.
i may not even be your superhero.
i'm just me. trying to grow up.
trying. better than nothing.

when all things come to an end.
i face st peter and he as well would ask.
how have you grown up?
and then. i shall answer:

i grow up at will. i answered the call.
I tried to stand alone great battles
tried to fight and defend my friends
and i tried to be just me, growing.

i tried. i always do try.

i love just trying.

no image of growing. so what.
at least. the very least. i tried

when no one's there to make you complete.
why not try, the not so grown-up me?

`postedat
1:35 AM.


|
Saturday, November 18, 2006

Photobucket - Video and Image Hosting

C-SO.
bokalista.


makikipaglaro na naman si layp saken.
ako na naman ang nakita niya.
hinawakan ang kamay ko, sabay patakbo sa playground.
ang playground. ang paboritong tambayan NIYA.
ang slide. ang see-saw. . . ang see- saw.
minsan tuloy, iniisip ko kung bakit ako nakikipaglaro ng see-saw kay layp e. Masarap nga ang feeling ng paulit ulit na up at down. Pero pag bigla na lang niya akong iniwan sabay talon habang nasa itaas ako, bumabagsak ako ng masakit. Pero tuwing ako ang mangiiwan at tatalon habang nasa taas siya, babagsak nga sya..
... at ako pa rin ang nasasaktan.
Either way, it's a lose- lose situation saken. Ang mahalaga sa kanya ay mayroong laro. Habang saken e ang playing field, ang playing time, at ang player...
(Tinalunan na naman niya ako. Masakit.)
Bakit ka masyadong unfair?

`postedat
8:58 AM.

|

ADIK
bokalista.
Hindi na ako nababangungot lately. Hindi sa hinahanap ko to. Hindi sa nagyayabang ako na matapang ako at nakakayanan ang hamon nya. ang hamon na hindi magising. Oo. Ang hindi na lang basta magising. Matagal ko na syang nilalabanan. Sadyang mahirap dahil alam mong kalahati ng utak mo ay gising habang ang nalalabing kalahati, kasama ang buong katawan mo, bagsak.
Andun lahat ng sintomas, ang rapid eye movement, at ang subconscious ko na nagsasabing "hoy RALPH, gumising ka". Pakiramdam ko tuloy gabi gabi, maaaring macoma ako bigla. Nakakatakot nga. Hindi ako kasinglakas ng sinuman para labanan ang mga bangungot eh. Kung anung laman ng panaginip ko, halu- halo. Pero isa dun yung sigurado: sa bawat bangungot, KAILANGAN magising ka.
Magaling ang utak ko dahil nakakayanan niyang gumawa ng immediate response: ang SYSTEM RESTORE! Magaling dahil inuunang kalabanin ng utak ko ang tulog na utak ko. (sa lahat ng doktor dyan, korek me ip ay em rong) Tapos nun, itatap nya na ang mga neurons ko na magtransmit na ng lahat ng pwedeng signal sa lahat ng satellite ng katawan ko. Lahat yun LIVE. at ang masama dun, tulog pa rin ako, pero parang nanunuod nako ng live show.
At paggising ko, halos nakatakbo nako mula quirino grandstand hanggang ccp. sobrang pawis. Ah sige, minsan parang sa mga pelikula na babangon talaga sa kama (90 degrees yung katawan) minus da sigaw lang. shock lang. At ang weird, alam ng present self ko ang mga nangyayari kanina... yung buong struggle, alam nya. Galing.
Pero sabi ko nga, ayuko ng ganun. Yung ganung mga pangyayaring posibleng hindi ko na makayanang umagahin. Kaya dinadala ko na lang sa konting bonding sa itaas. At konting amen. At kinabukasan, magpupuyat na lang ako. Nangyayari kasi to pag maaga akong nakakatulog, pag at peace mastyado utak ko (i.e. walang exam bukas, wlang gagawin, at masarap matulog).
Paano na lang kung...
(hindi, my child, wag mo isipin yan)
Sige na nga.
Pero sakali lang, alam mong nasabi ko to sa yo.
Mahalaga ka saken. Salamat.

`postedat
8:42 AM.


|
Wednesday, November 15, 2006

WIN-WIN.
bokalista.

alam mo pag nakikipaglokohan lang ang tao.
na sinabi niya ganyan, pero hindi pla.
parang larong bluff. sinabi kong isang ACE, kahit 2 King
alam mo tawag don? bullshit.

baka isipin mo, galit ang mood ko.
hindi, masaya ako ngayon. nakikita ko ang araw.
nakakasama ko sila. nakakita ako ng bituin kagabi.
at niyakap ko ang unan ko saglit.

nasabi nga ng kapatid ko na masaya ngayon.
sabi pa nya, Love not Because but DESPITE.
tipong nagpapatama sa kanya mismo.
siya kasi e, aanga anga na naman. kelangan batukan.

sabi sa House, isang TV series na inaabangan ko.
na kahit daw ang Love na binuo ng kasinungalingan
e masasabi mo pa ring isang totoong pakiramdam.
tinamaan ako. tumagos ba?

tuldok. isa pang tuldok. hindi pa ako tapos.
pero tipong wala na akong masabi.
tinatamad na ako magsulat pero may bumabagabag
hindi ko alam kung ano. hindi ko mainmtindihan.

narinig mo na ba ang PASUBALI ng spongecola?
ako kani kanina lang, at ang sabi niya eh eto:

Kailan mo ba matutunan?
Kailan mo ba ‘pagsisigawang‘
Di mo na ‘pagkakailang tayo?
Kay rami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang ‘yong kailangan?
Nagsusumamo na sabihin mo

baka iniisip mo pinariringgan kita.
hinde. naadik lang ako sa kanta.
idownload mo naman oh.
pakinggan mo.

Ako’y mayro’ng batid
Ito’y iyong pag-amin
Hindi na natin maiiwasan ‘to

baka iniisip mo nga na masaya ako don.
pwes.

nabluff kita. bullshit.

`postedat
4:48 AM.


|
Wednesday, November 08, 2006

KAGABI.
bokalist.

kagabi.

ang dilim dilim.
walang matanaw sa langit.
ang kulit kulit ng unan ko.
yakapin ko daw siya.
pero hindi ko ginawa.

kinuha ko ang gtec ko.
(talagang gtec eh no?)
at nagsulat.
sinulat ang pangalan ko.

tapos. natuldukan na lahat.
..
magisa lang pangalan ko.
kinukulit ako ng unan ko.
pero magisa lang ako.

`postedat
5:47 AM.


read.
speak.
exits.
about.