|
Saturday, November 18, 2006
ADIK
bokalista.
Hindi na ako nababangungot lately. Hindi sa hinahanap ko to. Hindi sa nagyayabang ako na matapang ako at nakakayanan ang hamon nya. ang hamon na hindi magising. Oo. Ang hindi na lang basta magising. Matagal ko na syang nilalabanan. Sadyang mahirap dahil alam mong kalahati ng utak mo ay gising habang ang nalalabing kalahati, kasama ang buong katawan mo, bagsak.
Andun lahat ng sintomas, ang rapid eye movement, at ang subconscious ko na nagsasabing "hoy RALPH, gumising ka". Pakiramdam ko tuloy gabi gabi, maaaring macoma ako bigla. Nakakatakot nga. Hindi ako kasinglakas ng sinuman para labanan ang mga bangungot eh. Kung anung laman ng panaginip ko, halu- halo. Pero isa dun yung sigurado: sa bawat bangungot, KAILANGAN magising ka.
Magaling ang utak ko dahil nakakayanan niyang gumawa ng immediate response: ang SYSTEM RESTORE! Magaling dahil inuunang kalabanin ng utak ko ang tulog na utak ko. (sa lahat ng doktor dyan, korek me ip ay em rong) Tapos nun, itatap nya na ang mga neurons ko na magtransmit na ng lahat ng pwedeng signal sa lahat ng satellite ng katawan ko. Lahat yun LIVE. at ang masama dun, tulog pa rin ako, pero parang nanunuod nako ng live show.
At paggising ko, halos nakatakbo nako mula quirino grandstand hanggang ccp. sobrang pawis. Ah sige, minsan parang sa mga pelikula na babangon talaga sa kama (90 degrees yung katawan) minus da sigaw lang. shock lang. At ang weird, alam ng present self ko ang mga nangyayari kanina... yung buong struggle, alam nya. Galing.
Pero sabi ko nga, ayuko ng ganun. Yung ganung mga pangyayaring posibleng hindi ko na makayanang umagahin. Kaya dinadala ko na lang sa konting bonding sa itaas. At konting amen. At kinabukasan, magpupuyat na lang ako. Nangyayari kasi to pag maaga akong nakakatulog, pag at peace mastyado utak ko (i.e. walang exam bukas, wlang gagawin, at masarap matulog).
Paano na lang kung...
(hindi, my child, wag mo isipin yan)
Sige na nga.
Pero sakali lang, alam mong nasabi ko to sa yo.
Mahalaga ka saken. Salamat.
`postedat
8:42 AM.