|
Thursday, November 23, 2006

Photobucket - Video and Image Hosting

KULElat.
bokalista.

nakablack pala ako kanina.

nagwelga ang mga tagaUP. Kasalukuyan kameng nagsasagot ng BioStat namen kaya hindi kame nakisale (kahit alam kong hindi din talaga kami makikisali). Sabi ng prof namin (kamukha niya yung prof na crush ko, wakeke!), pagnatapos na kami, pwede na naming ipasa sabay wok out at sumama sa rali. yun nga lang, sobrang haba ng pinasagot niya. (copy mode pa kame nun ah). kaya ang nangyare, 2 oras at kalahati kami nagsagot... walang pahinga.

kakasagap lang.

nagkamali ang MANILA COLLEGIAN. halos lahat ng data na nakuha nila ukol sa balitang BOR approves Bio Lab Increase ay mali. Halos dumoble ang proposed lab fees. Ang 1400 ay 800 lang pala. At marami pang ibang kamalian. Ngayon, masasabi ko na FAIR lang ang DB. Dahil hindi ganun kalaki ang increase. Ngayon kung bakit bigla bigla na lang ang pagbabago ng ihip ng hangin, heto ang masasabi ko...

... dahil tanging sa DB lamang kumukuha ng mga BASIC SCIENCE course sa buong UP Manila. Dito 'nakikisit in' ang mga di bio majors pero kumukuha ng ilang Natural Science subjects, ng General Botany, Zoology Courses, at ng Comparative Anatomy, Physiology at iba pa, bago ioffer ng kani kanilang colleges ang mas advanced na courses. At kung mapapansin ninyo, ang DB at ang labs nito na asa 4th floor lang ng GAB at 3rd floor ng RH ay nangungulang sa facility. Kung bakit? Dahil sobrang outdated na nito. Ng buong DB mula pa 1973! Kung mapapansin, ang DB at ilang departments lang ang nagkaron ng facelift... ang laboratories? ang mga kagamitan? hindi pa.

... nung magpalabas ang DB ng isang survey form sa mga gaya naming di maaapektuhan ng TFI LAST YEAR, nagsabi ang former Chair ng DB (si Co), na talagang makakatulong ang TFI dahil walang maaasahan sa mga dapat inaasahan.

... sa Biochem Class namin, sinabi ng prof na TALAGANG kailangan ng TFI. Hindi dapat tahasang tinututulan ito. Dahil STUDENTS SHOULD DO THEIR PART. Anu nga naman ang matatalinong utak ng mga tagaUP kung kulang kulang ang mga kagamitan? at panahon pa ng alumni ang mga ginagamit ngayon? Hindi kataka takang maunahan ang UP sa mga susunod na dekada. At kung walang kikilos, sino? Kung magaantay mula sa mga pesteng pulitikong yan, anong makukuha mo.

... minsan nga, gaya ng Kule, napapaeksajereyt niya ang mga tropapips ng kayupihan. kitang kita jan ang mga inoorient ng mga tibakers, ang mga estudyante sa kantina, at ang mga prof na naghahanap ng pagbabago. ang mga estudyante, na naghahanap ng malaking kikbak.

Tayo ang KULElat.

Isa pa..

.. tayo.

`postedat
12:10 AM.


read.
speak.
exits.
about.