|
Monday, November 20, 2006

Photobucket - Video and Image Hosting

YU-PI.
bokalista.

nahaharap na sa gyera ng buong kapeyupsan. at nakakainis ang mga pangyayari. biruin mo, ang DEPARTMENT OF BIOLOGY ng UP Manila ang sentro ng debatihan ngayon? Hindi pala siya ang sentro, siya ang ginawang Aysing ng sentro ng usapan.

Magkakaroon ng laganap na tuition fee increase. At kawawa lamang ang mga paparating na 'freshi' na kinakailangan maki ride on. Rok on sa inyo. Kayo na magdadala ng pahirap ng lipunang mismong pamahalaan dapat ang nagbubuhat. Kawawang mga freshie at mga magulang nila. Kawawa dahil sa malaking babayaran nila, at isa pang kawawa dahil ang UP ay kagaya na lamang ng ibang pa-pribadong eskwelahan. well. almost.

Ang Lab Fee ng Bio21, kamusta? mula 200 patungong 1400. Ang Bio 111, 200 tungo sa 1500. at ang pinaka pinaka nateng offer, bio 120, mula 300 to 3800 na. Deal or No Deal?

Wala akong ibang masabi kundi 'masyadong biglaan ang pagbagsak ng ganyang sistema, baka hindi mamalayan ng admin ng UP, mas mabilis pa silang bumagsak.' Alam ko na marami, o halos kalahati ng Kayupihan e Hindi papayag dito, habang ang ilan pa ay hindi makikialam, at may iba naman na ayos lang. Ayos, dahil mula pa nuong panahon ng lolo ng lolo ko sa UP, hindi na nabago ang sistema, ang tuition, at ang mga facitility. Pinagmamalaki natin na Numero Uno tayo sa utak, pero mas malilinang 'nga naman' kung equipped tayo. well. Subalit MAS marami ang tutol dito, lalo na ang mga bio ngayon, na bagamat hindi apektado ng increase, hindi naman maiiwasan na pagusapan iyon. Kung gaano kadesperadong makakuha ng pondo, kung bakit ganun kabilis ang transisyon. Nakakainis ang biglaan. At nakakaawa sila.

At ang mga walang pakialam, na naman? na walang ibang inatupag kundi ang wag ng makialam. Ayun. Nagdodota sa kanto.

Sa huwebes, black shirt day. at sa byernes, red shirt day. Hindi ko sinasabing magsuot kayo. at hindi ko sinasabi na magsusuot ako. Pinapaalam ko lang.

... Hinding hindi magpapahuli
Ganyan kaming, mga Taga UP!

`postedat
11:31 PM.


read.
speak.
exits.
about.