|
Monday, December 04, 2006

D.Y.I.L.
(100th chapter special)
bokalist.

isang daang entries. hindi ko tuloy alam kung seseryosohin ko tong napakaespesyal kong entry na ito. una, dahil akalaian mo yun, nakaabot ako ng isang daan, ikalawa, dahil ang kapal ng mukha kong gamitin ang pangalan niya, at ikatlo dahil ayoko pindutin ang napakapangit na keyboard ng comp shop na ito sa pedro gil, gabing gabi na pa naman..

marami na rin akong nasabi pala sa halos 100 na entry na ito. madalas kailangan ko ikalat sa madlang bayan ang lahat ng kadramahang nalalanghap ko lang. kung hindi niya ako pansinin. kung awayin niya ako. kung paano niya ako hindi pansinin ng ilang buwan. lahat sinalo ng napakatalbugin kong blog.

sample nga. talbog. (kabloinkz!)

nasabi ko na rin ang pagiging mami noodles ko habang ang blog na ito ang salaan. napakagandang example. at sa 100 entries na yon, pakiramdam ko, kulang pa ang 100 sala sa aken. masyado akong lucid. tipong liquefied na dilute, na napakakulet. at kailangan sabayan ako ng blog ko. dahil kung hindi, naiwan na xa. at hindi niya ako masasabayan sa kung anu ang pagsasasabi ko. bad monkey. baaad.

dahil lahat tayo, ay obligadong magpakatino.

at pasaway kong iniinda lahat ng kasentihan na dapat sana ay binabaon sa kung saang basurahan. dahil mabuti na yun.

ngayon. nasasabi kong walang kwenta ang entry na to.

pero ang gusto ko lang naman sabihen, mula day1 hanggang ngayon, nireserve ko ang entry na to, para sa nagiisang subject kung bakit buhay ang blog na to. alam ko na darating pa ang aking Mother's know Best Series sa napakaraming pagkakataon (ip da nid arayses), subalit maski ang nanay ko, alam kung bakit nagsusulat ako ng walang katiyakang kasagutan ay dahil sa mahal ko ang sinusulatan ko.. sabi nga niya kanina, 'someday'

ngayon nagaantay pa rin ako ng himala. kailangan. alam ko na ang december na siyang dulo ng taon ay lilipas at lalampas din, at ang 2006 ay mawawala na rin. pero isang malaking malay mo di ba. di natin alam ang nasa isip niya. andito lang ako para sabihin ang gusto ko. andito lang.

dahil isip naten ay litong lito.

minsan sa sobrang saya ko sa kanya. gusto ko na lang bigla paltan ang blog na to. dahil halos puro kadramahan lang ang laman nito. pero bigla bigla din lang iihip ang hanging tipong binabalik ako sa empty na CREATE POST at sasabihin, 'here we go again'... pero dahil alam mo na may hinihintay kang himala, dapat magkaron ka ng pakinabang na magantay. kahit kailan. dahil hindi basta basta lang ang paghulog ng istars sa langit. mismong makakita ka na ng shooting star, milagro na yun...

alam ko naman, na minsan isang gabi, isa lang hiniling namin.

isa lang.


HAPPY 100 ENTRY!

`postedat
4:01 AM.


read.
speak.
exits.
about.