|
Thursday, December 07, 2006

X- MAS.
bokalist.

kung akala mong pagdedebatehan ng entry na to ang xmas laban sa christmas nagkakamali kayo. pasko na nga pagaawayan ko pa yon. at nga pala, wag kalimutang dumaan sa simbahan bukas po. Dis. 8. Araw ng Imaculada Concepcion *tingin sa taas.

at ngayon nagsusulat na naman ako ng walang kwentang entry. walang matinong nangyari sa buhay ko. bukod sa araw araw akong kailangan gumising ng alas7 at pilitin patulugin sa gabi ng alasdose, e doon na lang yun. minsan may pasingit singit na important events.

Nakipagventure ata ang USC sa gagawing med talk ng BioMAs at PLM. Magaling kung ganon dahil nabawasan na ang gagawin kong load. wala na activity sheet, papirma sa chair ng db, papirma sa admion officer ng AS, wala na pirma ni dean. Lahat ng gagawin ko sinagot nila *yey. Kaya posters na lang ULE. Speaking of posters, nagkalat na ang posters ng MaSig na ako ang gumawa. Ampanget. Doon ko nakita na pag inedit ng iba ang ginawa mo, lalong nagulo at nawawala sa orig design... hmmpness.

at dahil napakaganda ng schedule namen, maaga kame pinauwi ng mga prof. siguro kasi nasa isip na nila ang holiday madness. Last day mode na rin sila gaya ko.

Birthday nga pala ni Bri. Lamon ule kame sa Yellow Cabness. Ako. Huck. Gome. Noel. Bri. Mara. Tin. Quimba. Takaw mode. At bumili pa kami ng cake on the spot sa red ribbon. Tapos yun na. D.O.T.A. mode!

Kaya nakapagdota pa kami nung tanghali Huck, Gome, Noel, Bri laban saken, Pao, Carlo, at Dale. Yung tatlo inabutan lang tas yung mga babae, nagliwaliw na. Isang oras din yun. At dahel antukin kaming mga bata sa natsci8, (marami akong kasabayang naghikab kahit may libreng 'bayabas' candy kami kay mam ragz *_*) pinalayas niya kami agad. At Dota ule. Carlo, ako laban kay Pao. Sempre, kame panalo ni Carlo. Yung sa kanina, natalo pala kameng apat.

May bago akong series na panunuoring ngayung bakasyon. Numb3rs, at yung scrubs. Naaadik na ata ako ng konte. Pero pagkatapos ng bakasyon, sunod sunod na dep, parang magsisipagtapakan kame ng firecrackers. BioStat-BioChem-Physics-Natsci8-Hum. Hmphness.

Pasko na. Masaya dapat.

May binabalak na naman atang year-ender. Mukhang masaya. Mukha pa lang. Sana masa madami sa kalahati pumunta. para mas masaya. (xet naiingit sa nagdodotang katabi ko)

Hanggang dito muna. medyo nahahabaan na ako.

`postedat
1:23 AM.


read.
speak.
exits.
about.