|
Friday, January 19, 2007

BEYOND GOD-LIKE.
bokalist.
medyo napatagal ang huling entry na to. bukod kasi sa medyo naging busy ang week ko (deps, asayn, di natuloy na dep, at mga lakad), e nawala pa ang susi ng bahay T_T. sad. dahel don, hindi na pwede na sobrang late ako umuwi. dati, nakakauwi pako ng hanggang alastres ng madaling araw (hekhek) pero ngayun, asahan mong seven palang, e nakahilata nako sa dorm. asar na susi.
Nga pala, kaya bago ang title ng entry e sequel ito ng previous. dahil this week lang ay nakuha ko ule ang best record ko. 19-1. Badtrip na saken mga kasabayan ko. Bale yun ang best record ko sa 2 on 2. at kung 1 on 1, e ung 12-0 ko kanina. adik. adik.
Palibhasa nong nagsisimula pa ko, lagi asa mga 5 lang ang panalo ko. Kala ko kasi, mga tower ang target ko. Haha. people change. Yes. Adik mode.
Next week. Isa lang dep. Plano na magsine ata. At dahil 1 lang ang dep, kulang ang 250 pesos sa dota session sa buong week. Wah. Gastos. Namumulubi na naman ako. Mabuti na lang, nagagamit parati ung netopia promo sa rob. Kaya sulet. Haha.
Photobucket - Video and Image Hosting
kanina, napasakay ako sa provincial bus. yung tipo ng bus na hindi napupuno dahil hindi aircon. Sabagay, tanghaling tanghali pa non. Walang may balak na makipagsabayan sa init. pero ako. go. hindi dahil sa nagtitipid ako, minsan kasi, nakikita mo ang pagkakaiba ng mga tao, sa mga pasahero mismo ng mga dehins na aircon na bus. may maiingay na bata. may matatandang naghihilik, may barkadang naghahamunan, at higit sa lahat, may kundoktor na sigaw ng sigaw, kahit marami ang nagbibingi bingihan. minsan try mo ren. para kang asa starbucks. yun nga lang, mas magugulo ang mga tao.
NOW PLAYING SA PC KO: Bagong Album ng MYMP

`postedat
12:58 AM.


read.
speak.
exits.
about.