|
Tuesday, January 02, 2007

Photobucket - Video and Image HostingGROWING.bokalista.

X,Y,Z
bokalist.

andito na uli ako sa maynila.

kagabi, o sabihin ko ng hanggang ngayun, hindi ko alam kung bat pakiramdam ko e nahohomesik ako. o baka tumawa ka. wag ka magalala, isang minuto ko rin pinagtawanan ang kabaliwan ko kagabi. akalain mo yun. antagal ko na sa dorm na yun tas ngayun pako nahomesick.

pero naisip ko ren, siguro, namimis ko lang ang panahong asa bahay ako nung bakasyon. ang 12 oras dvd marathon. ang pagdidilig sa halaman, ang mga mahal kong plato, ang kama kong pagkagulogulo, simbang gabis, ang mga kapatid ko, ang sermon ng magulang ko.

o baka napakamisleading lang ng utak ko lately.

hay. marami pa man din akong exams at asaynment. at dahil sa pakiramdam kong yun, dinaan ko na lang sa tulog. wala rin namang tumulonmg saken kagabe, kaya tinulog ko na lang.

pero gusto ko ata ule ng isa pang bakasyon. hay. buti 2 araw lang pasok ko ngayun wik. tas uwi nako ng friday hapon. yey. yey.

ang korni korni ko. nakakasukang kakornihan.

kelangan ko ng isang gtec. sana binili ako ni lian *,*.

hahayz.

`postedat
11:13 PM.


read.
speak.
exits.
about.