|
Friday, February 23, 2007

ITANIM SA SENADO.
bokalista.

nakakamangha ang mga napapanood ko sa telebisyon ngayon. Bukod sa sandamakmak na commercial sa TV mula payless hanggang breeze hanggang sa cali (mga buhay pba yun) e kung ano ano ng gimik ng mga pulitiko ang nakikita natin.

kunwari ka pa. alam kong kilala mo ang may slogan na ITANIM sa senado.

meron namang say CHIZ!

at ang hindi mawala wala sa kukote ko habang nageexam sa lab (Zubiri zubiri boom boom boom)

meron din namang panggulat:

NOLI: RRRRREEEECCCCTO!

at meron ding patawa. at mga eenglish english pa. plataporma. blah blah blah.

naisip ko. walang pagbabago. may unity team pang nalalaman. at meron pang GO GO Genuine Opposition. arrgh. Matapos ang ilang araw, mga tagaprobinsya naman ang maglalabas den ng ganung gimik. E san ka pa, sa Cavite ka na! Ang dami daming gimik. Ang sports center, e ginawang meeting de avance na lugar, ang mga puno, may sandamakmak na mukha, at ang mga sasakyang may chant/kanta/jokes ng inyong abang good politicians.

People do change.

Naaaah!

Isang malaking joke. Ayun. Andyan pa rin tayo sa stage na ngayon magkakabati, pero pagkatapos, magaaway away, walang utang na loob, walang kwentang pulitiko, walang awa. marderer ng taumbayan.

bat pa tayo boboto kung andaling magalis din?

ilang termino na ba nila? ilang bes na silang nagshake hands, nagpapicture, at nakipagbeso beso?

ilang bes silang natulog sa kanilang upuan sa opisina?

ilang bes nagpalabas ng mga walang kwentang bills?

ilang bes sila absent habang may ipapasang batas kuno? magYeyes or no na lang sila, wala pa.

at ilang bes tayo lahat nagpauto.

sa tawag ng ego. sa tawag ng pera. sa tawag ng pagbagsak.

nakakagulat na nasasabi ko to. at hindi bagay sa akin. Tutal hindi pa ako boboto ngayon (hindi nakapagreg) kaya nasasabi ko to. makapal.

pero gaya nio lang din ako.

pinagiisipan kung dapat o hindi dapat iboto si Goma. ^^

`postedat
2:17 AM.


|
Sunday, February 18, 2007

INERT.
bokalist.

napapansin ko lately na mas productive ako sa gabi kesa sa araw.

parang mali yun diba? dahil madalas sa umaga ka maraming pagkain para iutilize sa mga gagawin mo. sa gabi, dapat rest ka na lang. pero bat ganun. at dahil napakatamad ko sa umaga, panay TV/DVD/ gala lang ako. pero sa gabi, don ko nagagawa ang mga dapat.

haaay.

at bat marami sa pinas ang gising kahit gabi na. hay maynila. isa kang city that 'almost' never sleeps. i hate manila. i hate taft avenue kasama ang kanyang kambal na usok. i hate the trapik lights. i hate the temptation of every computer shops awake even at 2pm. i really hate the company of loneliness.

and i hate the feeling of being productive but in the middle of the night, realize, na wala rin akong matinong magawa.

at itutulog ko xa.

ihihiga at ihihimbing.

pero wait. teka lang. may isa pang i hate.

i hate the feeling of escape. ang ginagawa kong pagtulog para lang masabing may matino akong nagawa.

arrrrgh.

finally. i hate the english speaking.

english english pa. hindi naman bagay.

nayt. ^^

`postedat
4:08 AM.


|
Thursday, February 15, 2007

BALENTAYNS.
bokalist.

habang karamihan ay naging masaya ang valentines nung miyerkules, sandamakmak ang mga bulaklak at mga sokolate, at marami ang nilalang sa mga paspud,

habang andami dami ang nagpapalitan ng mga sulat, err... lab notes, ang hinayaan ng prof na madaliin ang exam, ang maglabing labing sa harap ng pgh, sa loob ng pgh, at sa kanto sa may pgh

habang ang ilan ay nagmoment sa library, nagtukaan sa roofdek, at nagliwaliw sa kadiliman

habang ninanamnam ng iba ang lamig ng aircon at ang init ng katabi

at habang nagpapakamukhang sensual ako, kahit hindi

narito ang isang blogger kuno na nagsusulat ng mga nangyari noong araw na yon.

yap. habang ang ilan ay masaya, ako.. mas masaya den.

masasabi ko na ito ang best valentines. at kung panu ko sasabihin na dabest ito, hindi ko ren ganun maeeksplika.

designerblooms.kisses.wop.

at the end of the day...

'wala lang. speechless! Haha!'

'Aww, ang swit ;-) tnx sa pasalubong at gift! touched naman ako. Thanks talaga sa kung anuman ang laman nito. *mMmMmuuUuUaAaAaAahHhH.*'

nagkaron ng meningoscare sa pgh kahapon. may meningo child na dinala don. wop.

somepeoplewantitall. e ikaw. kasama ka ba sa 'some people' na yun.

`postedat
8:35 PM.


|
Monday, February 12, 2007

BLOGGERS GATEWAY.
bokalist.

wop. sabi nila, tinatawag na blogger ang isang blogger pag may blog siya. superhero ka pag may nililigtas ka, at isa kang malaking kapalpakan ng mundo, kung, by the way, ay isa kang malaking salot.

tipong blog= blogger. as blog=blogger. kung saan ang level of significance nila ay 0.05. matinding samahan. akalain mong magkakalat ka ng istorya mo sa blog mo, tapos OPEN NOTES. tapos dun na eentra ung napakaintricate na network mo kuno ng sandamakmak na feeling closers sa mga nakikifeeling close den. tipong blog=blogger=another epal blogger. hindi masama pagkagamit ko sa epal na word. parang 'nangangapitbahay' lang.

at hindi ko naman sinasabi na nagtatapos ang lahat sa kwentong tagboard. kaya nga eto ang sequel. hindi ba, matapos ang kilalanan, may nagkakatuluyan din dyan? may nabubuo kunong friendship, likes, dislikes, at lahat. pag awards night, di ba ganun, kita kita, beso beso, at sandamakmak na gudlak. kahit asa isip mo, ikaw dapat manalo. at sa tuwing may makakasalubong ka sa skul, pagiisipan mo na 'uy siya yung bisita sa blog ko kahapon', maghaHI ka, at paguwi, magbaBUZZ ka sa YM niya. hay. typical blog events.

pero higit sa lahat, ang nakakapagtaka e kung paano napapasulat ang mga blogger sa kanyang blog kahit alam niya na OPEN ito. kahit madalas personal mga atake ng sulat niya. merong putanginers na nalalaman, badtrip sa prof na late na di pa marunong magturo, kwentong pinahiya siya ng saging na nakakalat sa sahig, lahat. at alam niya na tataksil ang blog niya at ikakalat sa kapitbahay. isang malaking loophole na hnd madikit dikitan ng tape.

at sa huli. alam mong magpapublish at magpupublish ka pa rin ng entry no matter what. at dito, aaply pa ren ang blog=blogger. yung tipong siya ang ringbak mo pag unattended ka at may mga epal na kapitbahay na gustong makialam sa latest happening sa buhay mo.

tipong artista. may k-text.

text RALPH ON send sa 2366. -blog.

`postedat
4:04 AM.


|
Thursday, February 08, 2007

GINEBRA SAN MIGUEL
bokalist.

sabi ko nga blog. hanggang sa huli. hindi lang dota ang paguusapan nating magpare.

Seigle, Hontiveros solve Red Bull defense in rubber match

kagabi. kahit hindi ko napanuod ang game 7 ng San Miguel- Redbull Semis Match, alam ko na ang SMB pa ren ang lalabas at lalabas na panalo. hindi ko naman sinasabi na no match sila sa totoo lang, close ang scores, 119-115, pero game 7 yun. nanalo ang SMB ng games 1,3,5,7. Magaleng. Hindi nakuha sa numbers un. Siguro, kulang lang sila sa training. Haba kasi ng bakasyon.


Photobucket - Video and Image Hosting


at dahil sa panalong yon, magkakalaban ule kame ng GINEBRA.

Parehong paborito ng mga tao ang SMB at Ginebra. Siguro tipong Toyota-Crispa ng ngayon. Ewan ko rin. Ayon sa FHM na nabasa ko, sobrang pagwawala ang ginagawa ng mga tagahanga ng huli kong nabanggit, pero sa liga ngayon, hindi na ganun karahas. Dahil kung magkagayun, aabutin ang team ng multa, suspension, at tuluyang disqualification. Pero siguro, nakuha ng SMB-Ginebra ung intensity na hinahanap ng watchers. Naks. Kasi, tadtad na ang TV ng telenobela, lumilipad na superheroes, at ng anu anu pa.

At dahil sa NEVER SAY DIE na motto ng Ginebra, hanggang sa huli't huli, dinarayo ang Araneta. Puno. Balita ko, noong huling game ng SMB-Ginebra, number1 ang ABC5 nun. Ibig sabihin, pinapanuod talaga. Maraming following.

Sana maging maganda ang laro. at sana. sana lang. manalo San Miguel. Yey.

Ge. Aral Mode. Saglit. ^^

`postedat
1:27 AM.


|
Tuesday, February 06, 2007

[ ^^ ]
bokalist.

naglabas ng memo ang NTC na ilegal ang ginawa ng globe ukol sa kanilang bagong UNLIMITXT promo (ngayo'y UNLITXT na lang). Bakit daw biglaan ang ginawang hakbang habang wala namang ginawang pagrerefer sa kanilang subscribers (lalo na ang mga prepaid users).

ang napagdesisyunan: magbabalek sa Feb16 ang globe unlimitxt.

ang saya.

kahapon. matapos ang napakahabang 7-4 na klase (dapat ay 7-7) ay naglaro ule kami ng dota. ^^. siguro, masyado ka na binging bingi sa dota na salita, blog ko. pero after ng napakaraming laro (mga 3 ata) sa loob ng isang oras, naisip pa namin magextend ng isa pa. at kung di pa nasiraan ng mouse ang isa naming kalaro sa netopia, malamang e hindi kami tumigil. after non.

nasabi namin 'bigla' na last game na namin yun.

ewan ko kung posible yun. hindi ko alam kung bat gagawan ko ng entry pa ang desisyon naming yun hindi naman 'mukhang significant' para ikwento. pero naisip ko, pag yung direkta lang lumabas sa bibig mo ang desisyon na hindi mo pinagisipan, at biglaan lang, malamang 'posibleng' magtuloy tuloy na. tipong adik na biglang nagbago. hindi naman kami natakot na marami ng dep next week. o na malapit na ang mga paperworks. basta lang naisip.

at natatakot ako.

natatakot na sa biglaang desisyon namin yon. baka hindi mapanindigan. kahit ang motto namin kahapon ay 'there's always life after dota' baka lang. baka lang. hindi kasi siya gradual. isang bagsakan lang. hindi parangh smoker na kumain ka ng bubble gum para mawala kaadikan mo sa sigarilyo.

at isa pa. hindi kami adik.

kaya siguro nasabi na lang yun bigla ng isa naming kalaro. magagawa namin dahil hindi kami adik. ewan ko lang blog, kung mapapanindigan namin yon, ewan ko rin. pero masaya sina lian sa balita. haha. naks. bawian portion ata to. sa mga break time namin, lahat binuhos sa dota/O2 jam/GB etc. kaya ngayon, 'sakaling' tumigil na nga kami. then marami na akong pwede pang ikwento sayo blog ko. hindi puro dota. o tong balitang unlitxt. o yung huling entry ko.

mas makabuluhan. siguro.

antay ka lang.

`postedat
11:50 PM.


|
Monday, February 05, 2007

PATAWA.
bokalist.

mga nakakatawang pangyayari sa buhay ko.
sumaydlayn pa kase.

si R si ralph. at yung ibat ibang letters. mga epal lang.

sa aking suking laundryhan, kausap ko ang babaeng mula day 1 ay kumukuha ng damet ko:

[R]: Ate, kukunin ko po yung laundry ko.
[X]: hello RJ! Mukhang bagong gising ka ah.
[R]: (feeling close ah) Ah hindi aman po
[X]: matalino ka ba RJ? iskolar ng bayan.
[R]: DI aman po. ^^
[X]: (may kinausap sa phone. sabay baba). RJ si ano o (may tinurong chik.)
[Y]: (umepal) hi...
[R]: (tagal nung damet ah) lo..
[X]: 81 lang. 80 na lang.
[R]: kinuha ang sukli.

pagalis ko. nagbabay pa si Y ng biglaan.

woot.

sa MCDO.

may lalaki (o bading) na tingin ng tingin saken.

[R]: kaen lang. kahit asar.

at dumaan na xa sa gilid ko. may kasamang girl.

[L]: gwapo ni kuya o. gwapo.
[M]: (yung girl to) unga, gwapo ni kuya

ok na sana uyng sa girl eh. asar.

hehe.


sa pedro gil

[R]: Dame aman tao. puno mga jip. (monologue)
[R]: makabili muna dyaryo.

may nakitang matandang nagtitinda

[R]: ate magkano po dyaryo?
[I]: (bigla tinwag yung isang lalake, bading na naman) hoy!!! (lapit lang nila ah. lapit.)
[R]: kuya, magkanu to?
[H]: otso lang. (ngumiti)
[R]: (asar.) eto na po. (sabay ales)
[H]: gwapo ka. suplado lang
[R]: (umales.)


hay. dame umeepal sa mundo ko ngayon. nung isang gabi, tinext ako ng block head namen. kung gusto ko raw tumakbo bilang rep at large ng USC ng UPM. bigaten. sabi ko ayoko. kahit pangarap ameng dalawa non na xa pres ako bays. tapos ang ginawa ko, na ginawa niya den sa ken, nagpasa ako ng pangalan. chain reaction.

ge. yun muna.

^^

`postedat
4:47 AM.


|
Sunday, February 04, 2007

CURRENTLY PLAYING.
bokalist.

malayo pa ang valentines. pero natutuwa ako. unang balentayns na nagplano ako. bago magvalentines, kelangan ko mag exam sa ns5, biostat, at biochem mismo sa mismong date after ng valentines. Sad. pero hapon pa yun.

wala akong entry na mailagay.

nga pala. may album na ako ng bago ng Six Cycle at nung kay Michael V na BubbleGum Anthology. waah. adik yung huling album. hahaha.

minsan itatry ko ipost sa multiply ko
(http://xciovolk.multiply.com/music/item/15)

ge. download muna.

`postedat
4:22 AM.


read.
speak.
exits.
about.