|
Monday, February 12, 2007

BLOGGERS GATEWAY.
bokalist.

wop. sabi nila, tinatawag na blogger ang isang blogger pag may blog siya. superhero ka pag may nililigtas ka, at isa kang malaking kapalpakan ng mundo, kung, by the way, ay isa kang malaking salot.

tipong blog= blogger. as blog=blogger. kung saan ang level of significance nila ay 0.05. matinding samahan. akalain mong magkakalat ka ng istorya mo sa blog mo, tapos OPEN NOTES. tapos dun na eentra ung napakaintricate na network mo kuno ng sandamakmak na feeling closers sa mga nakikifeeling close den. tipong blog=blogger=another epal blogger. hindi masama pagkagamit ko sa epal na word. parang 'nangangapitbahay' lang.

at hindi ko naman sinasabi na nagtatapos ang lahat sa kwentong tagboard. kaya nga eto ang sequel. hindi ba, matapos ang kilalanan, may nagkakatuluyan din dyan? may nabubuo kunong friendship, likes, dislikes, at lahat. pag awards night, di ba ganun, kita kita, beso beso, at sandamakmak na gudlak. kahit asa isip mo, ikaw dapat manalo. at sa tuwing may makakasalubong ka sa skul, pagiisipan mo na 'uy siya yung bisita sa blog ko kahapon', maghaHI ka, at paguwi, magbaBUZZ ka sa YM niya. hay. typical blog events.

pero higit sa lahat, ang nakakapagtaka e kung paano napapasulat ang mga blogger sa kanyang blog kahit alam niya na OPEN ito. kahit madalas personal mga atake ng sulat niya. merong putanginers na nalalaman, badtrip sa prof na late na di pa marunong magturo, kwentong pinahiya siya ng saging na nakakalat sa sahig, lahat. at alam niya na tataksil ang blog niya at ikakalat sa kapitbahay. isang malaking loophole na hnd madikit dikitan ng tape.

at sa huli. alam mong magpapublish at magpupublish ka pa rin ng entry no matter what. at dito, aaply pa ren ang blog=blogger. yung tipong siya ang ringbak mo pag unattended ka at may mga epal na kapitbahay na gustong makialam sa latest happening sa buhay mo.

tipong artista. may k-text.

text RALPH ON send sa 2366. -blog.

`postedat
4:04 AM.


read.
speak.
exits.
about.