|
Tuesday, February 06, 2007

[ ^^ ]
bokalist.

naglabas ng memo ang NTC na ilegal ang ginawa ng globe ukol sa kanilang bagong UNLIMITXT promo (ngayo'y UNLITXT na lang). Bakit daw biglaan ang ginawang hakbang habang wala namang ginawang pagrerefer sa kanilang subscribers (lalo na ang mga prepaid users).

ang napagdesisyunan: magbabalek sa Feb16 ang globe unlimitxt.

ang saya.

kahapon. matapos ang napakahabang 7-4 na klase (dapat ay 7-7) ay naglaro ule kami ng dota. ^^. siguro, masyado ka na binging bingi sa dota na salita, blog ko. pero after ng napakaraming laro (mga 3 ata) sa loob ng isang oras, naisip pa namin magextend ng isa pa. at kung di pa nasiraan ng mouse ang isa naming kalaro sa netopia, malamang e hindi kami tumigil. after non.

nasabi namin 'bigla' na last game na namin yun.

ewan ko kung posible yun. hindi ko alam kung bat gagawan ko ng entry pa ang desisyon naming yun hindi naman 'mukhang significant' para ikwento. pero naisip ko, pag yung direkta lang lumabas sa bibig mo ang desisyon na hindi mo pinagisipan, at biglaan lang, malamang 'posibleng' magtuloy tuloy na. tipong adik na biglang nagbago. hindi naman kami natakot na marami ng dep next week. o na malapit na ang mga paperworks. basta lang naisip.

at natatakot ako.

natatakot na sa biglaang desisyon namin yon. baka hindi mapanindigan. kahit ang motto namin kahapon ay 'there's always life after dota' baka lang. baka lang. hindi kasi siya gradual. isang bagsakan lang. hindi parangh smoker na kumain ka ng bubble gum para mawala kaadikan mo sa sigarilyo.

at isa pa. hindi kami adik.

kaya siguro nasabi na lang yun bigla ng isa naming kalaro. magagawa namin dahil hindi kami adik. ewan ko lang blog, kung mapapanindigan namin yon, ewan ko rin. pero masaya sina lian sa balita. haha. naks. bawian portion ata to. sa mga break time namin, lahat binuhos sa dota/O2 jam/GB etc. kaya ngayon, 'sakaling' tumigil na nga kami. then marami na akong pwede pang ikwento sayo blog ko. hindi puro dota. o tong balitang unlitxt. o yung huling entry ko.

mas makabuluhan. siguro.

antay ka lang.

`postedat
11:50 PM.


read.
speak.
exits.
about.