|
Friday, February 23, 2007

ITANIM SA SENADO.
bokalista.

nakakamangha ang mga napapanood ko sa telebisyon ngayon. Bukod sa sandamakmak na commercial sa TV mula payless hanggang breeze hanggang sa cali (mga buhay pba yun) e kung ano ano ng gimik ng mga pulitiko ang nakikita natin.

kunwari ka pa. alam kong kilala mo ang may slogan na ITANIM sa senado.

meron namang say CHIZ!

at ang hindi mawala wala sa kukote ko habang nageexam sa lab (Zubiri zubiri boom boom boom)

meron din namang panggulat:

NOLI: RRRRREEEECCCCTO!

at meron ding patawa. at mga eenglish english pa. plataporma. blah blah blah.

naisip ko. walang pagbabago. may unity team pang nalalaman. at meron pang GO GO Genuine Opposition. arrgh. Matapos ang ilang araw, mga tagaprobinsya naman ang maglalabas den ng ganung gimik. E san ka pa, sa Cavite ka na! Ang dami daming gimik. Ang sports center, e ginawang meeting de avance na lugar, ang mga puno, may sandamakmak na mukha, at ang mga sasakyang may chant/kanta/jokes ng inyong abang good politicians.

People do change.

Naaaah!

Isang malaking joke. Ayun. Andyan pa rin tayo sa stage na ngayon magkakabati, pero pagkatapos, magaaway away, walang utang na loob, walang kwentang pulitiko, walang awa. marderer ng taumbayan.

bat pa tayo boboto kung andaling magalis din?

ilang termino na ba nila? ilang bes na silang nagshake hands, nagpapicture, at nakipagbeso beso?

ilang bes silang natulog sa kanilang upuan sa opisina?

ilang bes nagpalabas ng mga walang kwentang bills?

ilang bes sila absent habang may ipapasang batas kuno? magYeyes or no na lang sila, wala pa.

at ilang bes tayo lahat nagpauto.

sa tawag ng ego. sa tawag ng pera. sa tawag ng pagbagsak.

nakakagulat na nasasabi ko to. at hindi bagay sa akin. Tutal hindi pa ako boboto ngayon (hindi nakapagreg) kaya nasasabi ko to. makapal.

pero gaya nio lang din ako.

pinagiisipan kung dapat o hindi dapat iboto si Goma. ^^

`postedat
2:17 AM.


read.
speak.
exits.
about.