|
Tuesday, March 20, 2007

300posts.
bokalist.

alive.

hindi ko nararamdaman ang papalapit na bakasyon. ilang gabi na rin ako walang tulog. nagpupuyat dahil sa ipapasa na case study, na painting, na requirement. ilan gabi ako kina lian, o sa case study partner ko. nakakatamad na gumising. alam ko kasi kinabukasan, magpupuyat ka na naman.

tama. ang sabi ng doktor. na kapatid ng kablock ko. hehe. wag na kayo magdoktooooor.

at kanina ko lang napansin na dinedma ko ang blog ko ng matagal. pinagpalit sa mga libro, kina lian, at sa lahat ng pwedeng alternatives. hindi ko man lang naramdaman na nagpaparamdam siya na 'oi, hindi mo ba alam ang malaking event? ha? ha? pansinin mo naman ako...'

nalimutan ko...

ngayong buwan dapat ang ikatlong taon ko sa blogging. ikatlong taon. halos 300 posts. at halos 300 kadramahan na kinuwento mula sa gamani kong kukote. 300 tawanan. joke jokan. at kasentihan na hindi alam san pinagmulan. 300 posts na 'kamuntikan' ko na malimutan.

ang pagsulat. ang pagkwento. ang paglaya.

naks. hindi ko alam bat yun ang ikatlong word. haha.

basta. dapat maikli lang ang posts ko. at dahil wala naman akong maisip masyado, bale, hanggang dito na lang.

- binago ko ang cover image ng multiply ko (http://xciovolk.multiply.com)
- nagupload ng album ng typecast (yeeeaaah! see multiply)
- nagugustuhan ang tunog ng imago -sundo- hehe

^^ yun muna. hapi anibersari. blog. wwwweeeeeeh.

`postedat
6:16 AM.


read.
speak.
exits.
about.