|
Saturday, March 24, 2007

BULOL.
bokalista.

may gusto ako sabihin kanina.
kaso nasabi mo na. inunahan mo na naman ako.
nabulol lang ako. nagpaikot ikot ang dila.
gusto ko pa sana english form. plinano ko pa.
napurnada pa.
nakakainis ka talaga.
pero higit don, palpak na naman ako.
palpak. narining mo. palpak.

ayoko nakakakita ng tuldok sa bawat dulo ng huling chapter ng librong binabasa ko. Hindi dahil sa ayoko nararamdaman na nasa kaduluhan na ang lahat, kundi dahil ayoko isiping may dahilan para matapos ang kwento.

at kanina, nakakita ako ng tuldok.

at naisip ko, na sana, sana pag sinabi kong tuldok. tuldok talaga. pag sinabi kong tapos, tapos na. at pag sinabi mong ayaw mo na. ayaw mo na.

ang huling linggo bilang logistics head. huling linggo bilang sophomore. huling linggo bilang isang tuldok.

magandang umaga. pro-pinoy.

`postedat
10:43 AM.


read.
speak.
exits.
about.