|
Saturday, March 03, 2007

WHERE DID I GO WRONG?
bokalist.

nakatunganga. alam ko na dapat ngayon, pinipilit ko sauluhin ang mga scientific names ng mga species dito sa pinas. kailangan ko isiksik ang sarili sa buhay biology. na dapat, alamin ang mga minoryang grupo dito sa pinas, na dapat hindi ako nagagawa ng entry.

ganito ang pakiramdam. gusto mo isiksik ang sarili mo sa mundo na hnd mo naman gusto ngayon.

dahil nawala na yung mundong dati, e parte ka.

nawala na siya. hindi mo na mababalek. wala na.

mahirap mawalan. pero mas mahirap makabangon.

at higit don ay ang pakiramdam na alam mong bukaS e magkikita kayo pero iba na. wala ng hi hello, how are you, musta ang college niO? wala na yun. dahil wala na kayo.

hindi mo na pwedeng itext gabi gabi. hindi na ren.

dahil ayaw niya. dahil hindi mo pwede pilitin ang sarili mo.

no entry ka na sa mundo niya.

at no entry na rin siya sayo.

mahirap. mahirap dahil baka hindi mo kayanin.

dahil hindi ko kaya.

pero ewan ko rin.

minsan kailangan ko lang rumebound. kailangan tumayo. magshoot. kung kinakailangan idakdak para makabalek sa kinatatayuan.

at ang ultimate goal ay hindi ang makathree points.

ang ultimate goal ay ang maisip na at the end of the day, hindi ka lang nakamove on, hindi mo lang siya nalimutan, kundi, naging mas matino kang player ng buhay.

wop. tama na nga ang drama.


* in the end it is never easy when someone blames you from screwing up *

`postedat
9:59 PM.


read.
speak.
exits.
about.