|
Monday, April 16, 2007

DEVELOPMENT. aw.
bokalist.

unang una, gusto ko sabihin na palagay ko masaya ang summer class ko kahit sobrang toxic.
hindi ko alam kung bat pinagsabay namen ang comm3 at ang bio133. kahit sabi ng DB, pagsabayin na namin. kung titignan mo, toxic na nga ang major na un, toxic pa ren ang comm3. isa pa. summer. at summer + comm3 is dobol inet.

matagal na ako di nagsasalita sa harapan. siguro kahit blockmates ko na kaharap ko, may takot pa ren ako magsalita, lalo na ng english. kasi, kung filipino yun, madali lang paikut ikutin ang dila, alam kong may masasabi ako. pero ang english, 5 minutes nga naku, wawa.

dota. ngipin. speaker.

sige nga magisep ka ng isang matinong statement na may relasyon ang tatlo.

eto pa. sudoku. watch. kuya edgar.

bio133. aka. devbio. developmental biology. toxic dahil parang pinagjoin forces ang bio21 at 22 na harder level. tipong sige, sa loob ng 2 weeks magmumukha kaming halaman, at sa susunod na 2 weeks e hayop. tipong iikot na naman ang scientific names, ang kadrawingan, ang move system, at ang walang sawang presence nina ate tess para sa isang microscope.

tapos isang subject 4 na teachers. sabi ni dlr kanina, team teaching. at kami ang experiment nila. bago pa lang na subject ang devbio. at meron pang microtech na naban ng db. maganda ang micro, dahel yung vinuview namen na slide, yung slide ang gagawin namen. diba astig. kame ang gagawa ng slide mismo. kaso sa kabutihang palad, hindi namn yun kelangan pagdaanan. ok na ako sa 4 na teacher ko. 2 dun siguro tutulugan ko lang. mabubuhay ako sa recorder. at sa notes ng matalino kong katabi.

masayang part lang, e ang tissue culture. again kaunahan sa kasaysayan. kame na ata ang huling batch na magtetake ng devbio ng summer. gagawin na xang reg sem. ibig sabhin mas magandang tissue culture magagawa nila. normally, a month ang inaabot ng culture. e with plants and animals pa lang, musta naman un. masaya talaga ang db no? pero mahal nila kame dahil maayus ang professor na nilagay nila.. errr... hindi lahat.

basta exciting ang tissue culture. akalain mong mula sa isang plant tissue, makikita namin xang maging ugat at stem. parang minadyik namen.

kaya pakiramdam ko masaya ang summer. wahehe.

dos pa ren exemption. aaaaaw.

`postedat
4:53 AM.


read.
speak.
exits.
about.