|
Saturday, April 21, 2007

GOOD OL DAYS.
bokalist.
hindi ko alam kung bakit napakatanga ko pagdating sa pagalala ng mga dating kakilala. madalas, ang pinapadalang mensahe ng utak ko pag may naeencounter akong nilalang na alam kong kakilala ko dapat eh, ang short term version. 'namumukhaan mo lang yan, wag mo na pansinin' at kadalasan, yun ang nagiging problema.

sa simbahan, madalas, may titingin saken ng matagal, titingin naman ako. mukha siyang tanga kaya ililipat ko ng tingin sa pari. pero pag labas ko, titingin pa rin siya, ngingiti. don alam ko na na higher year siya (hs) nung asa elem pa lang ako sa SFS. palagay ko nakasama ko siya sa dyaryo dati. muli, palagay ko lang.

isa pa ay ang kasabayan ko dati nung kinder ata. actually, magkasubdivision lang kami. tuwing gagala ako sa may court, o may bibilhin, makakasalubong ko na siya pero di ko papansinin.

at pag may magpapaadd sa friendster, matagal bago ko iaprub. para kasing kilala ko na parang hindi.

siguro, dahil puno na ang frontal lobe ko ng mga bagay na di naman dapat niya inistore. o kulang lang ako sa iron? o baka naman nahihilo na ako kakatrace ng pathway ng pagkaen ko, at ang chemical components ng kung anu ano.. baka nauuse up na pati ang nucleic acids ng katawan ko, o baka naman napapagod na ako dahil dev bio na, inaalam ko pa ren ang oia na naman ng muscles ng tao..

o siguro, kaya hindi ko sila maalala,

they were just special. hindi markado. walang kwenta.
baka lang. they're nothing. olats. hindi ko kajathropa. di dabarkads. baka sa mga taong pilit na ngumingiti araw araw, e hi hello lang ang napagdaanan namen nung nabgyan kami ng chance magsama non. second chances like these, i think, are foolish. dahil kung wala lang ang lahat, e di wala na dapat pagusapan pa.
wag ka na lumapet para sabihing kamusta ka na? nu nangyari sayo. namis kita.
baka hindi kita makilala. mapahiya ka pa.
(EVIL HEHEHE.)

`postedat
10:23 PM.


read.
speak.
exits.
about.