|
Thursday, April 05, 2007

PICHY.
bokalist.


ang tagaytay ay aming pinuntahan dahil unang una ito ay libre. maraming salamat sa isang butihing blockmate, nakadekwat kame ng 3 sosyal at malalaking kwarto. Isa para sa boys. Isa para sa girls. at yung isang malaki ang aming Entertainment Room. Nilagay namen don ang dala naming Nintendo Wii, MagicSing, Baraha, Sinehan, at ang napakaraming Unan. sa huling kwarto kami nagtambay ng matagal, nagkwentuhan ng ghost story kahit summer, ng truth or consequence, lucky 9, boxing, bowling, at baseball sa wii.

Nilibot namen ang halos kalahati ng buong Highlands. Nagpunta Sports complex, nagbasket, volleyball, bowling, at di na nakapagswimming. Sumakay sa CableCar kahit ang view lang namen ay ang Tagaytay at ang mga puno niya't katabing sosyal na mga bahay. Madalas sisingitan namen ng tulog, pero madalas, mas masayang giseng at tumungga hanggang malaseng. 3 klase ng alak ang sinubukang iround table sa block. kadalaro ng baraha, isa ang iinom. At matapos non, isa isang nagsitulog.

Hindi ko alam kung bat sa panahong yon, e masaya pa rin ako. Dati, sila ang dahilan kung bakit ayaw ko lumipat ng kors. Pero noong asa tagaytay ako, nakita ko na ang dahilan kaya hindi ako lumipat lipat ng kors, kahit sobrang hirap na hirap ako ay dahil nakikita ko kung ganu mahalin ng blockmates ko ang buong buhay bio nila, kahit gaya ko, e hirap na hirap din sila.

Hindi ko malilimutan ang tagaytay...

P.S. nagDOTA din pala kami. Adik na to. Walang kwenta ang naunang entry ko na babye dota. hehe. May DotaVer43 na nga ako dito sa bahay eh. arrrgh.

`postedat
10:16 PM.


read.
speak.
exits.
about.