|
Saturday, April 28, 2007

Wop.
bokalist.

H: Wala... dati pa toh. Hirap na hirap nako dun e, pati xa., buti pa yung IBA dyan nangangaliwa lang di ba RALPH? haha. sarap maging single pala... tsk tsk.

eto ang usapan namen ng blockmate ko one time na hindi toxic ang devbio at comm3, at nba playoffs pa man din.

H: [bad] yung mga wop kasi last tues sa gb caf nakatingin saken.. wop. sayang. [good] just kip prayin.. di pwd xa iwanan.

wop ang tawag namen sa mga babaeng WOP talaga. ewan. nagsimula lang yan sa bibig ng isang jathropa (twag ng block sa dabarkadahan nameng mahilig magdota; jathropa ay isang halamang kinukuha namen every meeting after ng isang dota game bago magBiolab dahil kelangan siya sa plant tissue culture) din. at ngayun, sinasabi na ng buong tropa. kahit prof, kahit estudyante, o naglalakad lakad lang sa moa. isang matinding wop.

ewan ko nga kung bat saken to nagshare. pero nakukuha ko siya. siguro kasi, pareho kami ng naiisip dati. kahit, magkauiba siguro kami ng kinalabasang ending. sila, umabot ng isang taon (and counting), ako, well.

H: Malalim pa dun ang prob. Basta, trap na ata aq sa kanya forever, di nya kaya wala aq e.. nyway 4.27.07. = lupet day... bhala na. basta ikaw, wop? wag na pare.. aral na lang. haha

naiisip ko na ganun talaga ang relasyon pag nagatgal na. hindi ko alam kung wala nabang flavor talaga o kung nagkasawaan sila. pero andun ang inggit, ang pangamba, ang pagtataka, maraming what if akong nakikita sa kanya, at nakuha niya na lang akong pangaralan... hindi ko alam kung sino samen dalawa ang nagbenefit...

H: yup. fairy tale person kasi siya. And if ever para sa kanya naman yun... pero di din papayag yun. I'm stuck na. may 'The One' na ako, habang kau, nagwowop trip pa din sa college at med.. -_-' ahhh

sa totoo lang, mahirap magbigay ng payo sa ganun. para kasing asa emergency ka, doktor ka at nakita mo na ang baby na ilalabas ng isang ina ay hindi naform ang utak, ilalabas mo na agad ba siya through abortion, o aantayin mo siyang lumabas at mamatay din after a day or two? sa lagay ng dabarkad ko, hahayaan ko lang ba siya magstik in? o ipapakita ko na maraming wop sa mundong posibleng hindi nya nakikita dahil sa fairy tale girl niya.

H: No choice e.. hirap iwanan un. hindi niya makakayanan. sayang ang mga tyms na kasama ang jathropa tas marami sa st paul.. haha.

lahat ng tao, lalake o babae, gagawa at ggawa ng mechanism to cope up at magsurvive.

H: sana... iba kasi xa. wala na siyang pipiliin pang iba... ang alam ko ah. Isa siya sa kaunting babae na may ganung concept sa love life..

anak ng boogie. Alam ko, pagkatapos ng usapan namen, hindi na lang siya ang problemado. kahit ako napaisip. ang nakaraan ko. ang kung ano ang meron ako ngayun. Ang babaeng gusto ko. Paano kung maging gaya ng dati? o maging gaya ng kanila? Walang pagkakaiba ang bawat relasyon ng tao. Dahil sa huli, hindi naman puso ang nagkokontrol ng emosyon mo at ang drive na magatagal ang relsyon nio. utak. utak utak. at sa tuwing iniisip ko na ang pag ibig ay isang emosyon, nakokornihan ako.

Madaming wop dyan. At lahat sila, fairy tale wops na naghahanap ng fairy tale prince nila. Wop.

`postedat
1:06 AM.


read.
speak.
exits.
about.