|
Saturday, May 05, 2007

EMOSYON.
bokalist.

siguro ngayun, marami na sa mga nakakabasa ng blog na ito ang nakanuod na ng spiderman.at marami sa kanila ang nagustuhan ito, o inulit muli, at siguro, gaya ko, may ilang, hindi gaanong natipuhan ang marahil na huling installment ng gagambang superhero.
choices. parang a,b,c,d. pwede kang magmatapang tapangan. pwede ka ring matagal pumili. at kadalasan, pwedeng pwede ang playing safe. ayaw makasaket, ayaw masaktan. Ayaw humakbang, ayaw ding maiwan. Marami tayong hindi naiintindihan sa ating sarili dahil iniisip natin sa kaloob looban naten na dapat natin kontrolin ang buhay natin na naaayon sa sinasabi ng puso. follow your heart. ang lintik na pusong wala namang ibang ginawa kundi magbeat ng magbeat, pero pinagpipilitan pa rin ng mga hopeless na ulol na ang puso ang magdadala sa kanila sa tunay na pagmamahal. nakakasukang kakornihan. nakakamatay na kahibangan.
marahil tinamaan ka.
every child, woman, and man, should possess license to speak or sing in his/her TRUE voice.
hindi ako umaasang maiintindihan mo ang mga pinagsasabi ko. at hindi na din ako aasa na makikinig ka. hindi mo alam ang hirap ng pagpili ng kung ano ang tama, sa kung ano ang masaya. dahil kadalasan, pag ikaw na ang pinipili ko, hindi ko pa rin alam kung tama ba ako, o kung masaya ba ako.
kablangkuhan. isa kang huwarang JOKE.

`postedat
6:58 AM.


read.
speak.
exits.
about.