|
Saturday, June 16, 2007

BIO.
bokalista.

tapos na ang first week. habang tinatapos ko ang mga huling episodes ng house season 3, naiisip ko na lang ang mga nangyare saken last week. First Day, kailangan ko samahan ang mga freshies mula sa kanilang welcome assembly, college, department, hanggang USC orientations. Ambugi. Imbes na ienlighten nila ang mga freshies kung bakit 'nararapat' ang TFI sa UP, lalo lamang nila pinalabo ang sitwasyon.

hindi sa sinasabi ko na makikitid ang utak nila. gaya ng sinabi ko sa blog ko dati, normal lang na magadjust ang unibersidad sa mga pagbabago sa lipunan. hindi kasalanan kung kaunti lamang ang nabibigay sa atin kasi, (nak ng..) tayo lang ba ang sentro ng pamahalaan? tanga na nga ang gobyerno, nagpapakatanga pa sila. nakita mo ba ang mga nagwewelga? nakikita ba nila ang mga laboratories ng CAS dyan sa third floor? ang mga reagents, ang mga test tubes, ang mga CR, hanggang sa ang mga class rooms naten. nila. sinubuan na nga kayo ng pagkaen, nagrereklamo pa. At ano? gagawin nio din ang ginawa nio nun sa freshi orientation ng batch namen, pinanuod ang hello garci scandal para makisama sa inyo? ngayun, kung anu anong statistics ang pinapakita ninyo para lang magmukhang kapanipaniwala ang claim ninyo. iskolar ng bayan. tignan mo nga ang pinapasukan mo. kakareklamo mo, mapagiiwanan at mapagiiwanan tayo.

sa harap mismo ng UP president, hindi ko maintindihan kung bakit ginawa nio yun.

Bio. Nagmahalan lahat ng Laboratory fees namen. Mula sa 200-300 na lab fee, umangat yun hanggang 600-1000. kaya lahat ng labfees sa form5 ko ay naging 2900. at ang binayaran ko ay tumataginting na 7777.5 pesos. Sa mga tinanung ko, bio na ata ang may pinakamahal na tuition sa mga higher years (dahil ang freshies ay umabo sa 23K). partida pa dahil 17 units lang ang third year. Pero dahil may blockmate ako na 'concerned' tinanung niya si mam rags (taga AO at DB din), kaya ayun, makakakuha kami ng refund. bawas 1900 sa labfee.

Makulay. Ang buhay.
Makulay ang buhay.
Sa sinabbawang Gulay.

`postedat
5:22 AM.


read.
speak.
exits.
about.