|
Saturday, June 23, 2007

ULAN.KOTSE.
bokalist.

I loved you first, I loved you first Beneath the sheets of paper lies my truth.

umuulan na naman. sumakto kanina sa bus, habang nakikisenti sa akin ang mga patak ng ulan, naiisip ko na bakit medyo delayed nangyayari ang mga ulan, ang bagyo, ang lahat. maghuhulyo na. pero wala pa ring suspended na klase.

iniisip ko. Posible kayang tumangging pumatak ang ulan?

alam ko ang water cycle. alam ko ang sinabi ko ay isang napakasuperout of the philippines na statement. hindi bagay sa isang biologist. hindi bagay. para sakin.

Matatapang daw ang ulan. Dati na ako humahanga sa kanila. Kung paanong nagsama sama na sila sa itaas ng langit, e sabay sabay naman sila maghihiwa hiwalay pagbaba sa lupa. Matatapang. Dahil sila lang ang 'gusto' at 'handang' magfall. minsan, dahil walang kailangang dahilan.

Hindi gaya ng tao. Ang mga emosyunal na nilalang na marunong magdrama, magsenti, magsalita, at wag magsalita. Maglabas ng pakiramdam. Magpahalata. Hindi ko pinangarap na maging ulan. Mas gusto ko na lang maging kotse.

Dire diretso ang takbo. Titigil lang sa tamang stoplight. at gagalaw sa go signal. Tapos dire diretso na ule. Magaantay ng panibagong stoplight. Tatakbo. at yun. Kelangan din magpagasolina. enerhiya. at takbo. dirediretso lang. Walang tigil. Preno lang ang katapat.

Isa akong kotse. Pangarap ko yun. At kahit umabot sa pagkabunggo at pagkasira, ayus lang. dahil madali maayos. ang buhay ng kotse, inaalagaan, pinapaganda, inaayos, presko. Magandang sasakyan.

ngayon, unti unti akong nagiging ulan. Vulnerable s paghulog. Subalit kahit gusto ko maging kotse, alam kong sa pagkahulog ko, hindi na ako insured. Pwedeng maging masaya, pwede ring maging mas masaya.

ang nagmamaneho sa aken, at ang mismong tubig sa dagat kung san ako nanggaling bilang ulan.. ay iisa.

ja.

You are my Sweetest Downfall.

`postedat
7:26 AM.


read.
speak.
exits.
about.