|
Wednesday, June 06, 2007

UNCERTAINTY.
bokalist.

kanina. lumipat na naman ako. habang sinasabayan ko lang ang sermon ng nanay ko papunta sa iiwanan kong dorm sa quirino, hindi maalis sa kukote kong kanina pa isip ng isip kung tama ba tong ginagawa ko kahit alam kong wala akong choice dahil unang una bayad nako ng 3 months na sa bago kong lilipatan at ang ikalawa e dahil sa pinagpilitan ko sa nanay ko na 'maayos' ang lilipatan ko.

oo. maayos talaga dun. pakiramdam konga ako ang gugulo dun eh. binagyo kasi akong tao. may pagkamakakalimutin sa mga gamit at minsan napaka go go go lang ng lahat.

pero kanina, iba ang naisip ko. wala na pala akong solo layp. hindi nako makakapagisip isip magisa. lalo namang di na pwede ang talent kong magmonolog bago matulog. kniz. pero ang nasa isip ko nun, 'para maiba naman' hay mamatay na ang nangungumbinsi ng sarili niya. buguk.

ang kalat ko ng buong isang taon sa kwarto ko, ang sandamakmak na post its na walang reminder, at ang mga photox na halo halong subject, ang mga bolpen na walang tinta, ang mga kasentihan sa buhay na papel at notebuk, at ang kalendaryo ko na bold, naku, nakita ng tatay at nanay ko kanina. wahehehe.

mahaba habang sermon din yun.

at sa huli, kelangann ko nga din palang lumipat.

..para 'maiba' naman.

`postedat
6:48 AM.


read.
speak.
exits.
about.